Monday, November 22, 2010

Bagong Sweet and Sour Pork ng Chowking :)


Tanyag sa ating mga Pilipino ang "Chickenjoy ng Jollibee" at "McDo Chicken", mahilig kasi ang ating mga kabataan sa crispy chicken na dala sa atin ng mga taga kanluran. Ngunit para sa akin, ako'y nagsasawa na sa chicken doon at chicken dito, Mc Donald's man, Jollibee o KFC pa! hindi ba't kayo rin? Kaya't sa aking paghahanap ng bagong putahe na aking kaadikan, ay nakita ko ang Sweet and Sour Pork ng Chowking.

Ang Chowking ay naglabas ng bago nilang resipi Sweet and Sour Pork. Dati, ang Sweet and Sour Pork ng Chowking ay masarap ng maituturing dahil sa malinamnam na sauce nito na may tamang tama na tamis at asim na siguradong di niyo pagsasawaan; hindi ito nakakauyam. Ito ay may kasamang pinya na nagdadag ng tamis-asim na sarap sa putahe. Dati ito ay nakapatong sa mainit na kanin at sa paghahandog nito sa iyong hapag kainan ay umuusok pa at maamoy mo ang mabangong sauce.

Ngayon, ang Sweet and Sour Pork ng Chowking ay mas pinasarap, dahil sa bagong resipi nito ng sauce nito ay mas pinasarap at pinalinamnam ang sacue nito na kikilig kiligan ka pa sa tamis-asim. Ang mga sahog nito ay dinagdagan ng mansanas na nakakadagdag ng tamis sa putahe, ito rin ay may pinya tulad ng dati ngunit dahil sa bagong resipi ay mas mararamdaman mo ang tamis-asim ng pinya. ang mga baboy na ibinabad sa sweet and sour sauce ay napakalinamnam. Ngayon, ang putahe ay nakalagay saq isang plato na may kasamang mainit na kanin at may kasama na itong prawn chips na nagsisilbing appetizer sa iyong pagkain.

Siguradong pag natikman ninto ito ay hindi kayo magsisi sa pagpunta ninyo sa chowking. Babalikbalikan ninyo ito at hahanap-hanapin kapag nagaya na ang iyong mga kaklase sa McDo at Jollibee sa walang kasawan-sawang manok. ayain ninyo sila, ipatikim ninyo, at siguradong matatakasan mo na ang mga manok :)


Cagas, John Matthew D.
IH3

11 comments:

  1. Wow, mukhang masarap. Patikim nga. :)))

    ReplyDelete
  2. Mahilig ka sa Chowking ha.:)))--Maimai

    ReplyDelete
  3. Ako, favorite ko chicken! :)) Kaya di ako magsasawa dun. pero, masarap din naman yan! :))) Pag nagdate tayo, libre mo ko. Hihi :">
    -Belle :P

    ReplyDelete
  4. isa sa mga paborito kong ulam yan sa chowking. :D yan lagi hinahanap q pag nasa chowking aq. -clemmers

    ReplyDelete
  5. Napakahusay! Nakumbinsi mo akong pumunta sa Chowking at umorder ng Sweet and Sour Pork :)

    ReplyDelete
  6. Paborito ko din ang chicken! Pero nasubukan ko na din yang sweet and sour pork, at masarap sya talaga. :)

    ReplyDelete
  7. ABA! may sweet & sour pork na din pala, FISH lang alam ko eh. masarap din yan sigurado. -nel

    ReplyDelete
  8. hindi ko pa ito natitikman, pero sa mga sinasabi mo naiisip o naiimagine ko tuloy na masarap ito. nice chu!!

    ReplyDelete
  9. mukang masarap yan. nakakakumbinsi ang pagdescribe mo :D - jonas

    ReplyDelete
  10. Oh bago ng chowking? Kala ko, eto yung Orange Chicken :)) Makabili nga minsan. :D - Chai ツ

    ReplyDelete
  11. Ngayon ko lang nalaman na may sweet&sour pork pla ang Chowking. Gusto ko rin tuloy tikman mukha kasing masarap e! :D

    _Tricia^^

    ReplyDelete