Saturday, November 27, 2010

Caramel Banana walnut

             Isa sa mga paborito kong agahan ay ang pancake lalo na ng Mcdo. Samahan mo pa ng matamis na amtamis na syrup na Pillsbury at hot choco, da best na kombinasyon. Kahit gawing tanghalian ay tiyak na masarap pa rin at kahit sa huling kagat nito ay malalalasahan mo ang tamis Ang pancake sa Pancake House ay pinaka masarap para sakin na naghahain nito, ito ay kanilang specialty at patok na patok sa mga kustomer at laging binabalik balikan. Nagawa nilang kunin ang panlasa ng tao kaya naman walang duda sila ang may pinakamasarap na pancake.
             Una kong natikman ito sa Medical City at simula noon, ito ang pinagbabasehan ko kung saang mall ako pupunta. Kapag ako ay kumakain ng caramel banana walnut, bawat kagat ko ay sinisigurado kong malalasap ang tamis at lambot nito, pagkatapos ang bayad ko ay sulit na sulit at kahit busog na ako, gusto ko pa ring kumain.
            Mahihilig ako sa mga matatamis na pagkain ngunit sa lahat, ito ang pinakapaborito ko, hindi ko papalagpasin ang isang buong linggo ng hindi ako nakakatikim nito. Sobra ang pagkagusto ko dito at sabi nga ng mga kaibigan ko, ako raw ay obsessed na. Kaya naman bawat may umaalis samin, alam na nila ito ang hanap ko lagi at ito na rin ang nagsisilbi kong  pampagana sa pag-aaral dahil nakakahyper ang tamis nito..

                     MARC HAROLD ACOB :> 1H3

9 comments:

  1. ang arte.. =)) pero infairness mukhang masarap. :>
    -jhulie

    ReplyDelete
  2. banana sa pancake??mukang masarap cge na nga...san yan sa pancake house?? :D --edgar

    ReplyDelete
  3. ang sarrapa nomon, matry nga pag umaga! :)) -tom

    ReplyDelete
  4. Mahilig din ako sa matatamis. Mukhang masarap yang caramel banana walnut! :) -cheska

    ReplyDelete
  5. parang pancake lang na my saging sa ibabaw! HAHAHA pero mukhang masarap. -nel

    ReplyDelete
  6. Pinaarteng pancake :)) Pancake pa lng sa mcdo, winner na e. Haha. Ano kaya lasa pag may saging na? HAHA!-Chai

    ReplyDelete
  7. Sana may ganito sa Mcdo. :| =))
    - Elo

    ReplyDelete
  8. itsura palang matamis na!ma-try nga. XD

    ReplyDelete