Thursday, November 25, 2010

Tara, crispy chicken sandwich!

Ang schedule ng mga mag-aaral ng HRM sa UST ngayong ikalawang semestre ay napakabigat. Halos buong araw ang klase at kaunting oras lang din ang nailalaan para sa paglabas at pagkain, at dahil dito kinakailangan nating humanap ng makakain na masarap, mura, at madaling mabili para makaraos sa buong araw ng pag-aaral.


Napakahirap pumili ng kakainan tuwing break time at kadalasan nauubos ang oras sa pagpapasya kung saan kakain. Katulad ng karamihan, madalas kaming bumabagsak sa Mcdpnald's para kumain dahil malapit lang ito at mas madaling pumili ng kakainin dahil may mga value meal sila. Naging paborito ko ng kainin sa Mcdo ay ang crispy chicken sandwich nila. Ang crispy chicken sandwich ay tinapay na may palamang tipak ng manok at mayonnaise. Mura ito dahil fifty pesos lang ito at may inumin na, masasabi kong masarap din ito at napupunan din nito ang gutom ko kahit papaano, at mabilis din itong kainin pag ikaw ay nagmamadali na at maaari mo din itong kainin habang naglalakad, nakatayo, o nakaupo.


Ang crispy chicken sandwich ay siguradong malinis at magbibigay ng sustansya sa ating katawan. Pinupunan din nito ang pangangailangan natin ng enerhiya sa katawan. Dahil sa isang fast food natin ito mabibili, paniguradong malinis ito at hindi magdudulot ng sakit sa mga kakain nito. Kaya kung nagmamadali ka na at kailangan ng kumain, tara, magcrispy chicken sandwich tayo.


== Gameel H. Padasas, 1H3

19 comments:

  1. Pakagat nga? Mmmm, CRRRRIISPYYY nga. :))

    ReplyDelete
  2. Gano kacrispy? Libre moko bukas. OK?

    ReplyDelete
  3. naunahan mo ako dito binibini. HAHA! super sarap nito. MERYENDA NG LAHAT, TAKE-OUT NG BAYAN. ;))) -nel

    ReplyDelete
  4. paborito q rn 2. pang-energize q minsan pag pauwi na aq. :)) -clemmers

    ReplyDelete
  5. SARAP NAMAN NETO! MURANG MURA PA. :))

    libre mo kami ni ano jan! Ni aNo! --pogi

    ReplyDelete
  6. pwede na model ng mcdo :) crispii :)

    ReplyDelete
  7. sulit ang 50 pesos sa crispy chicken sandwich :))

    ReplyDelete
  8. alam ko masarap to pero hindi ko alam na masustansya pala to? hahaha! akala ko puro cholesterol lang eh.crispy ba? kasing crispy ni tita crispy fermine. weh tama na.:))pero masarap tlga to.:)

    ReplyDelete
  9. ang pogi mo, pogi.. Hahaha, ayos tayo dre.

    ReplyDelete
  10. Nako. Heaven din to. :)) Wapak! Goodluck nlng sa tin! HAHAHA! Goodluck sa pagtanggal ng mga tinga pag kumain nito :))) Lalo na't nka-brace pa tayo. :))-Chai ツ

    ReplyDelete
  11. Gustung-gusto ko ang pinaghalo-halong lasa niyan! :) Napakalinamnam at mura pa! -Belle

    ReplyDelete
  12. ang cute ng baso ng coke :)gusto kong mag-uwe kahit isa lang. haha :)))

    ReplyDelete
  13. masarap nga ito, pero minsan nakaka-umay na. /:)

    ReplyDelete
  14. Whew. Dami naman comment, Share mo naman sakin :)) -SESE

    ReplyDelete
  15. masarap nga yan.. at mura pa:))-- kath

    ReplyDelete