Thursday, November 25, 2010

Hershey's Chocolate :)

Ang tsokolate ng bayan. :)))

          Ang Hershey's Chocolate ay isa sa pinakasikat na tsokolate hindi lamang sa ating bansa kundi pati sa buong mundo. Nakilala sila dahil sa napakasarap nilang mga tsokolate. Lalo na ang Kisses at Dark Chocolate na sadyang naging patok sa ating mga Pilipino.

          Marami rin sa ating mga Pilipino na gustong-gusto kumain ng tsokolate sapagkat sa ibang paniniwala ay nakakatulong at nakakadagdag ito ng katalinuhan sa isang tao habang nag-aaral para sa kanyang eksaminsasyon. Pero para sa akin, naging paborito ko ang tsokolate na ito sa kadahilanang sa pagkain ko nito ay nagbibigay ito ng kasiglahan sa aking pangangatawan at kasiyahan sa akin sa mga oras na ako ay nalulungkot. Kailangan nating kontrolin ang pagkain ng tsokolate dahil marami rin sa atin ang nagsasabing nakatataba ang pagkain ng tsokolate. Pero sa maniwala kayo at sa hindi napakalaking tulong nito sa ating resistensya dahil ang Hershey's Chocolate ay may Calcium Carbonate, Zinc at Iron, Vitamin C, Vitamin B2, Vitamin B6, Vitamin A, Vitamin B12, at Vitamin D3. Saan ka pa? Sadyang napakasustansya diba? Kaya ito ang aking gustong kainin palagi para mapanatili kong malusog at masigla ang aking lupang katawan.


       Kaya kung gusto rin ninyo magkaroon ng isang malusog at masiglang pangangatawan tara na't kumain na ng Hershey's Chocolate at siguradong magiging masaya ka sa pagkain mo nito kagaya ko :) >:D<



Bautista, Maria Excelsa S.
1H3.

19 comments:

  1. Nakakarelate ako sa mga nakasabi dito, masarap ang Hersheys at kahit mahal binibili ko padin sya at ineenjoy ko ang lasa nya :>

    ReplyDelete
  2. MASARAP. hmmm, basta chocolate paborito ng lahat. -nel

    ReplyDelete
  3. Nice naman pwede nba ito isubstitute sa extra joss haha pero grabe ang sarap ng chocolate the best tlga eno? =)

    ReplyDelete
  4. Yummy chocolate.!!astig! past time ang pagkain ng tsokolate...haha pagstress yan ang hinahanap hanap.. :D

    -->edgar

    ReplyDelete
  5. yep totoo nga na masarap ang HERSHEYS! tamang tamang tama lang para sa pasko

    -dan

    ReplyDelete
  6. Sadyang napakainam ng tsokolate knino man. Sa katunayan, hindi lamang pantanggal ng pagod ang naidudulot ng pagkain nito kundi ito rin ay pagkain ng pusong nalulungkot lalo pa't kung HERSHEY's ang tatak. Ikinararangal ko maging isang masugid na tagatangkilik ng HERSHEY's CHOCOLATE. At huwag kalimutang magsipilyo ng ngipin para patuloy pang magbigay saya ang tsokolate sa buhay ng bawat isa... :)) -PHOY

    ReplyDelete
  7. MASARAP ANG TSOKOLATE. SWEET XD

    -JAZIEL

    ReplyDelete
  8. ahaks! i love chocolates! especially hersheys! :D at nakakapagpagana nga ito. as in maeenergize ka! :D hehehe. nice one :D
    - Regina Joy "rhej" Baloro :)

    ReplyDelete
  9. Masarap talaga ang Tsokolate lalo na kung Hershey's ang tatak. I love it. Nice one! :"> <3

    -Jajapot

    ReplyDelete
  10. mahusay! tsokolate ang isa sa pinakamagandang natuklasan ng tao :)
    kasingtamis ng tsokolateng ito ang tamis ng pagmamahal ko sa babaeng pinakamamahal ko! haha :)
    ayos, tsokolate pampaalis ng lumbay sa buhay! :)

    -julius santos :)

    ReplyDelete
  11. sa tuwing kakain ako ng tsokolate laging ikaw ang naaalala ko...sapagkat, kasing tamis ng mga labi mo ang paborito kong tsokolate....Hershey's <3


    -karleene :)

    ReplyDelete
  12. Sadyang napakasarap kumain ng Tsokolate lalo na't nalalapit na ang kapaskuhan. Good Work. :)

    -Sheena Elisa Esguerra. :D

    ReplyDelete
  13. How I crave for hershey's right now! Hmm. Yum!
    It's like how I crave for my siopao babe! :) ♥

    ReplyDelete
  14. nakka miss nman ang hersheys :))tagal na ko di nakakakaen nyan :)

    ReplyDelete
  15. Uyy saraaap :) Favorite ko rin to. Heaven to lalo na pag natutunaw sa loob ng bibig mo. Hahahayyyy. :)-Chai ツ

    ReplyDelete
  16. Tama si Janina, HEAVEN nga yang chocolate na yan! -cheska

    ReplyDelete