Saturday, November 27, 2010

WHITE HEAVEN--vanilla ice cream

Una na sigurong pumapasok sa utak ng bawat tao ang Ice Cream tuwing may kainitan ang panahon. Isa rin ito sa mga patok na patok na mga minatamis o desserts. Sino ba naman kasi ang tatanggi sa lasa ng ice cream habang ito'y natutunaw sa ating dila? Ang lamig din nito ay papawi sa init na ating nararanasan. Mayroon din itong kakaibang barayti ng mga flavors na siguradong sasakto sa panlasa ng bawat isa. Kung kaya naman ang ICE CREAM ang top 1 sa listahan ng aking mga paboritong pagkain.


Sa mga kwento ng aking ina pinaglihi niya raw ako sa ice cream habang siya'y nagbubuntis. Wala man itong sapat na batayan di ko rin naman matatanggi ang natatangi kong hilig sa pagkain ng ice cream. Bata pa lang ako ay naging malaking parte na ng aking buhay ang pagkain nito. Tulad na lang ng pagpunta ko sa dentista na labis kong kinatatakutan noong ako'y maliit pa ngunit ako'y madaling napapapayag ng aking ama sapagkat sinasabi niyang kami ay bibili ng maraming ice cream. Tuwing may okasyon ay talagang hinahanap ko ito at kahit na maulan na ang panahon ay di ako tumatanggi. Naranasan ko din ang gumawa nito noong kami ay nasa hayskul na labis kong ikinatuwa. At kahit ngayong dalaga na ko dala ko pa rin ang hilig na ito lalo na sa VANILLA ICE CREAM.

Ang Vanilla Ice Cream ay masasabi kong simple ngunit babagay sa lahat ng mood mo. Ito na marahil ang pinaka-simple at ordinaryo sa lahat ng ice cream sapagkat ito ay plain at walang ibang sangkap tulad ng cookies o mga mani. Ngunit ang kahit ito'y simple babagay naman ito sa isama sa ibang pagkain o kahit flavor ng ice cream. Masarap ito isama sa brownies, cakes, saging at kahit anong flavor ng mga syrup. Masarap talaga ang vanilla ice cream at ito na ang naging comfort food ko. :))


Cristelle Ann M. Tolentino
1H3

15 comments:

  1. Heaven ba talaga? Malamig pa gusto mo.Kaya malamig ang pasko eh! Wag ganun :) Pero masarap to. sige. :) - karla

    ReplyDelete
  2. masarap talaga yan ,.
    -- axl-- ,.

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. yes!:) vanilla :) isa sa fav. kong ice cream simple pero masarap :))nakakamiss :) -iana

    ReplyDelete
  5. yan din ang paborito kong flavor ng ice cream! VANILLA! :) masarap din yang gawing float gamit ang rootbeer! :)

    ReplyDelete
  6. gusto ko tuloy magice cream =)))

    ReplyDelete
  7. ang sarap. vanilla rin favorite flavor ko. :)

    ReplyDelete
  8. ang sarap nmn:) gusto ko tuloy bumili ng ice cream:D

    -ruth

    ReplyDelete
  9. kahit malamig ngayon, cge ittry ko yan. VANILLA EH :bd -nel

    ReplyDelete
  10. AY DA BEST! COMFORT FOOD KO DIN TO. :-bd -Chai

    ReplyDelete
  11. Aking susubukan nga ito. :P
    - Elo

    ReplyDelete
  12. NICE G! HAHA. PINAGLIHI KA PALA DITO! :P SARAAAP NAMAN. -B

    ReplyDelete
  13. ang sarap ng ice cream, fav namin ng lola ko yan vanilla. :)

    ReplyDelete