Thursday, November 25, 2010

Cheeseburger and Fries!



                 Ang mga fast food chains na nga siguro ang sagot sa mga taong gusto ng mabilisang kain at syepmre masarap din. Marami na ngayon ang nagsusulputang fast food chains dito sa ating bansa, nangunguna na dyan ang Jollibee na talagang pinoy, ang KFC na “want-to-sawa-gravy”, at syempre ang pinaka-paborito ko sa lahat, ang McDonald’s. Sa fast food chains din, ay marami kang mga magiging alaala dahil sa mga naging kasama mo rito pati na rin sa mga nangyrai rito.

                Noong bata ako, mahilig na talaga ako kumain sa mga fast food chains. Sa katunayan, Jollibee ang paborito ko noon dahil sa aking lolo. Halos araw-araw niya akong pinapakain sa Jollibee dahil sa ako’y “nag-dedemand” din. Masasabi ko na “spoiled” ako sa lolo ko noong nabubuhay pa siya, dahil isang sabi ko kaagad ay tinutupad naman niya. <*hiccups* – miss ko na siya. :( >

                Pero ngayong “teen” na ako ay nag-iba na ang aking pang-lasa. Nang minsan ay pauli-ulit akong kumain ng cheeseburger at fries ng McDonald’s, ay naging sobrang adik na ako. :)) Sobrang paborito ko talaga ang cheeseburger at fries ng McDonald’s dahil sa kanyang sarap. Matamis na maalat na basta, sobrang masarap. Pag nakakakain ako nito ay parang “na-sasatisfy” niya ang hinahanap-hanap kong laging pang-lasa. 

               Noong ako'y nasa hayskul, ay halos araw-araw kaming nandito ng aking mga kaklase. Tuwing uwian kumakain kami dito, tuwing kami'y nagsisimba dito ang diretso, at tuwing kailangang magkita-kita ay dito rin ang aming "meeting place."

               Kasama na rin talaga ang McDonald's sa aking mga pangaraw-araw na pamumuhay. Pag ako ay masaya dito ko "tini-treat" ang aking sarili. Pag ako'y nagmamadali ito ang nagiging kasama ko sa aking paglalakbay. Pag ako’y depress, ito rin ang una kong tinatakbuhan dahil napapagaan niya ang aking kalooban. :) Malaki ang nagagawa sa akin ng McDonald's Cheeseburger and Fries. <OA :))> Isama mo pa ang mga nakakasama mo sa tuwing ika'y kumakain dito. Mga walang humpay na kuwentuhan, halakhakan at paminsan-minsan ay may dramahan din. 

                Alam ko naman na lahat tayo, kayo, ay kumakain nito pero gusto kong i-rekomenda sa inyo na maging paborito niyo rin ito. :))

                Oooooh.. McDonald's, I'm so loooooooooving youuuuu! :"> ROFL. Tawa!

- Peter Allen F. Leis <3

14 comments:

  1. nice..ako din gusto ko ng fries!!!1

    ReplyDelete
  2. Nakakagutom tuloy bigla. :))
    - Elo

    ReplyDelete
  3. maganda ang taste ni peter sa gan2ng pagkain, masarap talaga magluto ang mcdo ng gan2ng pagkain. :)

    wew, nagugutom tuloy aq. :))) -clemmers

    ReplyDelete
  4. dahil dito ako ay nagutom. sobrang sarap kasi ng cheeseburger at fries. :))))

    ReplyDelete
  5. Nakakagutom naman ito, sana i-libre mo ang lahat ng nagcomment dito. JK. :))

    ReplyDelete
  6. di pa ako nakakatikim niyan, patikim mo naman sakin minsan. hahaha. jk. ang sarap idial ng 8-MCDO at umorder. :| =))

    ReplyDelete
  7. Kahit na paborito ko ang crispy chicken sandwich ng mcdo, itatry ko pa din ang cheeseburger. :)

    ReplyDelete
  8. mcdo fries and cheeseburger w/ drinks! ooohhh :P perfect pang-meryenda -nel

    ReplyDelete
  9. nakakagutom naman to. gusto ko din ang cheese burger ng mcdonalds dahil sa pickles at ketchup nito. ang sarap!:))

    ReplyDelete
  10. wow. nakakapaniwala ang iyong pagdescribe at tiyak na laging bibilin yan. :D - jonas

    ReplyDelete
  11. Nako. Paborito kaya to ng Eew. Diba? Paborito rin siguro to ni J <3 HAHAHA! Daming memories tlga pag Mcdo oh. :)) :"> -Chai ツ

    ReplyDelete
  12. Grabe ang kasarapan nito ah..sa sobrang sarap ay di mo na maidescribe ang lasa..kaya't basta nalang!haha :))

    ReplyDelete
  13. paborito ko rin yan!!:))--kath:))

    ReplyDelete