Saturday, November 27, 2010

PIZZA PIE! AYAYAY!=)


Wala ng intro intro, informal blog naman to. =)) Ang paborito kong pagkain ay PIZZA. Sa katunayan ay pinanganak ako sa mundo dahil dito. Nagkakilala kasi ang mga magulang ko noong naging magkatrabaho sila sa SHAKEY’S, isang pizza parlor. Oh diba? Destiny.

Lahat naman siguro tayo sa nakakalaam kung ano ang Pizza. Ito ay gawa sa bilog o kwadradong dough na pinatungan ng tomato sauce at samu’t saring toppings na niluto sa oven. Pepperoni, salami, manok, baboy, baka,  seafoods, bellpepper, keso, olives, sibuyas, napakarami mong pwedeng pagpilian depende sa iyong gusto. Wala akong pinipiling flavor, lahat gusto ko. Di lang dahil maraming lasa ang naghahalu-halo, kundi dahil maraming alaala itong iniwan sa akin.

Noong high school ako, bukod sa pagkaing Mcdo, Pizza ang madalas naming kainin ng mga barkada ko. Ang tahimik nga naming pag kumakain, kumbaga, galit galit muna. Unahan sa pinakamalaking sliceat pinakamaraming toppings at paramihan din ng makakain. (ang sarap tuloy balik-balikan). Ito rin ang paboritong pagkain ng special someone ko. :”> hahaha. Ayoko ng magreminisce, baka kiligin ako. HAHAHAHA. Basta marami akong memories sa Pizza.=))

Ayun. Alam ko naming lahat ay nakatikim na kayo niyan. Kung hindi pa, ano kayo? Alien? Tikim na dali!


PS. SORRY KUNG WALA AKONG PICTURE NA KASING POGI NUNG KAY EDGAR. =)))
-JHULIE MARCAIDA

17 comments:

  1. isa sa dahilan kung bakit andame kong taba sa katawan =)) -tom :>

    ReplyDelete
  2. nako isa rin yan sa mga paborito kong pagkain!...talaga namang hindi nakakasawa ilan man ang kainin!^^

    ReplyDelete
  3. ako din mahilig din ako sa pizza. cheesy kasi.:D

    ReplyDelete
  4. Pizza.. isa sa mga paborito kong pagkain.. kahit mahal ginagastuhan ko parin sarap ee :)

    ReplyDelete
  5. oo alien ako. joke. sarap nyan ahh. -marc

    ReplyDelete
  6. ang sarap naman niyan, gsto ko rin tuloy kumain niyan ngaun. :) -rañada

    ReplyDelete
  7. nice one jhulie. binunyag mo pa kng san nagkakilala parents mo ah..hahaha:) ansarap nmn ng pizza:)

    ReplyDelete
  8. ow..yummy naman yan!paborito ko ang cheese pizza ppero related padin!sarap tignan! --edgar

    ReplyDelete
  9. Pizza! Masarap nga iyan! lalo na pag madaming cheese! :) -cheska

    ReplyDelete
  10. Pizza!! paborito ng lahat :> different flavors and ingredients..but blends well with each other making one extraordinary delicious delicacy.

    ReplyDelete
  11. all time favorite ko yan! yummy -nel

    ReplyDelete
  12. wow jhulie sumasang-ayon ako sa iyo,., magkaibigan nga tayo,., pareho tayo ng gustong pagkain :) -eycee

    ReplyDelete
  13. Ay teh. Winner na winner ang pizza! :))) -Chai

    ReplyDelete
  14. Libre mo nga ako July nang matikman ko naman. Haha.
    - ELO

    ReplyDelete
  15. haha. dicky umeenglish kn ngayon ah. =))))

    ReplyDelete