Paboritong pagkain? Ano nga ba? Yan ung mga kadalasang tanong lalo na nung kabataan kong uso pa yung slambook. Hahaha. Naalala niyo yun? Eh kasi, kadalasang sagot rin naman, puro Chicken. Pero ako talaga eh. Iyon oh. Yan, yung picture na nasa taas. Di ko pa talaga alam kung anong tawag sa ulam na yan eh. Basta alam ko, Pata. Kailan ko lang nalaman yang tawag diyan, so yun pala ay Humba. Oh diba. Parang Samba! Haha..weh.
Ako kasi yung taong mahilig sa karne e. Hahaha. Kaya di ako tumataba eh no. Yan. Bata pa lang talaga ako, paborito ko na talaga yan. Yan yung lagi kong pinapaluto kay Mama nun kahit di ko alam yung tawag. Basta, sabihin ko lang.."Ma, luto mo yung puro karne na peyborit ko!" Ayun, alam na yun. Swak na swak na tanghalian namin nyan pati hapunan. Pag kasi nanay ko nagluluto nyan, sinasamahan niya talaga ng mga pinya. Yun ang lalong nakakapagpasarap sa ulam na yan. Isang higop mo pa lang ng mala-sarsang sabaw nyan, nako, hindi mo titigilan ang paghigop! Tas oras na makagat mo yung karne.. ay teh! Pak na pak! Heaveeeen pare! Yung bigla kang lumutang sa ulap. Haha! Daig mo pa yung in-love na tao. :))
Ayon sa google, yung Humba raw ay isang sweet pork dish na katulad rin ng Adobong Baboy. Marami kasing version 'tong ulam na to. Ang bersyon naman namin ay pata talaga ng baboy ang main ingredient. Tapos yung iba ay halos pareho lamang rin ng mga sangkap sa Adobong Baboy. Kaya nga lang, nagiging matamis ang Humba dahil sinasamahan pa ito ng asukal, bulaklak ng saging at lalong-lalo na ang pinya! Isa rin kasi ang pinya sa mga paborito ko talagang pagkain eh. Tanong niyo pa sa Eew. Diba, Eew? :)) Haha. Ayun, Matagal-tagal mo nga lang lutuin yan kasi kailangan mo pang prituhin muna at palambutin ang pata. Kaya pag natutunan ko talaga tong lutuin, ipagluluto ko talaga ang magiging boyfriend ko (kung sino man yun..haha!). Para diba, hahanap-hanapin niya. :"> Hahahaha!
Yan. Siguro, natatakam na kayo no? Nako. Yung mga di pa nakakatikim nito, ipagluluto ko kayo at tiyak mapapalimang kuha pa kayo ng kanin sa lamesa! Hahaha! Yung mga siba kumain diyan, swak na swak sa inyo to, promise! AYEAH ツ
Jean Charisse F. Parome
1H3
Wow! Hindi pa ko nakaktikim niyan. Pero gusto ko rin itry! Dahil mukhang masarap nga! Ipagluto mo kami ha. -Belle
ReplyDeleteHumba all the way! feel ko masarap yan, mktikim nga minsan :)) kita nmn diba, AYEAH! :))
ReplyDeletepara ba tong paksiw na pata? kung oo masarap nga. hahaha! nako kawawa naman magiging boyfriend mo, puro ganyan iluluto mo baka magmukhang pata yon.haha joke lang!
ReplyDelete"Haha! Daig mo pa yung in-love na tao. :))"
-para pala to sa mga smp e. hahaha!
Humba pala name nyan? Gustong-gusto ko rin yang pagkain na yan pero hindi ko rin alam ng pangalan. Thank you dahil nabasa ko to ngayon alam ko na! :D
ReplyDeleteTalaga nga naman masarap ang pagkain na iyan at hahanap-hanapin mo!Ang tagal ko ng hindi nakakakain nyan at dahil dito sa blog mo, ay ngayon alam ko na ang sasabihin ko sa mama ko kapag nagtanong sya kung ano ang gusto kong kainin :]
_Tricia^^
ahahahaha... wow! humba... a recipe w/c reminds me of my late grandpa... dhl dyn.. madlas tong lutuin nong tatay ko.. masrap nmn ng onti pero di kasi ako fan ng matatamis n ulam pero ok n din kasi tulad mo meat lover din ako..
ReplyDeletehmm.. ok so dpt lulutuan mo din ako nian aa... dpat masrap! ----> anthony
wow naman ang pagka describe sa lasa nito. mukha nga tlagang masarap 'to, at dinaig pa ang pagiging in-love hah!?.. Pero talaga nga namang napakasarap ng humba lalo na ng pinyang sangkap nito. :)
ReplyDeleteWow ang sarap naan nito. Pag luto mo naman ako nian :)
ReplyDeleteyes naman! ipagluto mo din ako ah! para matikman ko yang heaven na sinasabi mo. hahaha. =)) mag-set ka na ng date natin!
ReplyDeletewow nakakatakam nmn yan. itsura plang mukhang msarap na
ReplyDelete-rupert
Yumm! HAHA :) Ang sarap nga niyan -Janina
ReplyDeleteMukhang masarap :bd :) -Rosa :)
ReplyDeleteitsura palang ay mukang napakasarap na.. nais ko rin yang matikman..:))
ReplyDeleteWOW! MUKANG MASARAP. DI PA AKO NAKAKATIKIM NIYAN.. GUSTO KO TIKMAN. :]
ReplyDelete-JAZIEL
masarap yan, try nyo! -nel
ReplyDeleteMasubukan nga. :D
ReplyDelete- Elo
HUMBA PALA YUN! PATA LANG DIN ALAM KO. SARAAAP NETO HAHA. -POGI
ReplyDelete