Sadyang kay bilis nga naman ng panahon at ngayon ay malapit ng sumapit ang pinakainaabangan na okasyon sa Pilipinas, ang Pasko. Pagdating ng panahon na ito, isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang pagsisimbang gabi na nagsisimula sa pagsapit ng ika-siyam na araw bago magPasko. Ngunit, ang tradisyon na iyan ay hindi magiging kumpleto kung wala ang aking paboritong pagkain, ang Puto Bumbong!
Ang Puto Bumbong ay ang isa sa mga pinakapopular na pagkain tuwing Pasko. Ito ang nakagawian na kinakain ng mga Pilipino pagkatapos ng Simbang Gabi dahil ito ay kadalasang ibinibenta sa labas ng mga simbahan. Ito ay gawa sa pinagsamang malagkit na bigas(Pirurutong) at ordinaryong bigas na hinaluan ng kulay ube na pangkulay ng pagkain na siyang nagbibigay dito ng kanyang kakaibang kulay. Ito ay pinapahiran ng mantikilya, binubudburan ng sariwang kinudkod na niyog at asukal, at ibinabalot sa dahon ng saging. Kapag kinain mo ito ay talagang mapapasabi ka ng “Salamat po, Panginoon!” dahil para itong pagkaing hulog ng langit sa sobrang sarap lalo na’t kung ito’y bagong luto.
Ito ang pagkain na talagang hinahanap-hanap ko tuwing Pasko dahil sa lambot, lagkit at tamis nito, isang kombinasyon na tunay na ‘match made in heaven’ na talagang hinding-hindi ko makakalimutan. Ito ay nagbibigay sakin ng ginhawa at talagang nagpapadama at nagpapakumpleto ng aking Pasko. Sino ba nga naman ang hindi maghahangad nito? Heto na rin sa wakas! Kasabay ng pagsilang ni Hesus na anak ng ating hari, nandito na rin ang pagkaing siyang naghahari tuwing pasko, ang Puto Bumbong!
- Dapogracion, Tricia Ann ^^
WOW! MASARAP YAN :) USO TUWING PASKO.. HINAHAPHANAP KO DIN YAN :]
ReplyDelete-JAZIEL
Totoo ang nasa blog na itong pagkain na ito ay sikat tuwing Pasko. Masarap itong kainin kapag kasama ang iyong pamilya samahan pa ng mainit na tsaa.. :) loua
ReplyDeleteang pagkain na ito ay napakasarap at tiyak na patok ito tuwing kapaskuhan - jonas :D
ReplyDeleteMas masarap to kesa dun kay jonas :)
ReplyDelete-k
Totoo ngang ngayong malapit na ang pasko, hahanap hanapin ng nga madla ang putahen ito. At talaga namang napakasarap nito gaya nga ng sinabi sa blog na ito :)
ReplyDeletetalaga namang ang puto bumbong ang siyang naghaharing pagkain tuwing pasko ngunit kahit na ganoon ay hindi pa ri ako nakakatikim nito kung kaya'y dahil sa iyong blog gusto kong subukan ito..
ReplyDelete-Sunshine :))
basta christmas, puto bumbong tlga :bd -nel :)
ReplyDeleteAyy saraaaap nyan lalo na pag maraming kesoo tas samahan ng niyog. Hmmmm! Buo na ang gabi mo. :)-Chai ツ
ReplyDeleteang sarap neto kahit ung habang hinihintay palang maluto ung nasa palayok palang siya nakakatakam na :D
ReplyDeleteAyan! pang 10 me! Hahaha! Hmmmm. Ang sarap kumain nito lalo na pag ka tapos ng simbang gabi :)
ReplyDelete-SESE
masarap to!! hinahanap-hnap ko rin to pag pasko.. nkakatakam! :) -abby
ReplyDelete