Una kong natikman ang Lomi noong ako'y high school, noong una ay ayaw ko itong kainin, hindi kasi ako noon mahilig sa pancit. Pinilit lang ako ng mga kabarkada ko. Doon ko nalaman na masarap pala ang pancit lalo na ang Lomi. Marahil noong una ay pilit ang pagkain ko, ngunit sa mga sumunod ay nakakadalawa pa ako. Sa pagkain ko nito, para bang nawawala ang pagod sa aking isipan, kasabay ng pagkawala ng gutom sa aking tiyan. :)
Ang lomi ay isang klase ng pancit, pancit lomi ang ginagamit dito. Ito ay may lahok na karne ng baboy o karne ng baka, itlog, kikiam, nilalagyan din ito ng chicharon. ngunit ang nagpapasarap dito ay napakaraming sibuyas na inilalagay dito. Isa ito sa mga pinagmamalaking pagkain ng Batangas. Sabi nga nila, "Hindi ka pumunta ng Batangas kapag hindi mo natikman ang Lomi doon".
Tandang-tanda ko pa noong hish school, hindi lalampas ang isang linggo na hindi kakain ang barkada ng Lomi. Inaakyat pa namin noon ang isang bundok para lang kumain ng isang order ng Lomi. Kahit matagal ang paglalakbay, ayos lang sa amin kasi " Worth It" naman kapag kumakain na kami. Kaya kapag pupunta ka ng Batangas. huwag kakalimutang kumain ng Lomi. Dahil sinisigurado ko hindi makukumpleto ang Batangas Trip mo kapag walang kasamang Loming Batangueño. :)
- Dion Bastien F. Magahis
-1H3
right,! the best tlga ang lomi
ReplyDeletetalagang worth it ang paglalakbay mo kapag natikman mo ang paborito mong pagkain..at ang the best part nun ay kapag kasama mo ang barkada mo sa pagkain nito..:)))
ReplyDelete-Sunshine :)
napaka-unique ng pagkain na 2. d q pa natitikman, pero parang itsura palang masarap na. :D -clemmers
ReplyDeletenatikman ko na yan, super sarap. GO BATANGAS! :) -nel
ReplyDeleteGusto kong tikman! Makatikim nga pag nkapunta kming Batangas! ;;)- Chai
ReplyDeleteWOW MUKHANG MASARAP TO AH! PNTA TAYO BATANGAS -POGI
ReplyDeleteMasarap nga ang lomi lalo na kung taglamig kasi napapainit nito ang katawan mo. Hindi ko alam na sa Batangas pala nagmula ang lomi... Kung pupunta man kami ulit ng Batangas ay siguradong titikman ko ito :D
ReplyDelete_Tricia^^
ilang beses nko nakapunta ng batangas pero di pa ko nakakatikim. next time ttry ko. :)
ReplyDeleteMukhang masarap yan. Dala ka naman minsan. :) -cheska
ReplyDelete