Saturday, November 27, 2010

HOT CHOCOLATE RICE PORRIDGE ♥

OO, sa tagalog CHAMPORADOiningles ko lang para lalong sumarap sa panlasa niyo.  

   Isa sa mga paborito kong almusal at meryenda. Simula nong bata pa lang ako, hilig ko na talaga ang champorado. Kaya hanggang ngayon niyaya ko ang mga kaibigan ko sa Cafeteria ng school namin kapag may champorado sa kanilang menu, diba EEW? :))

   Champorado - bumili ka lang ng malagkit na bigas at cocoa jan malapit sa inyo. Pakuluan nyo lang sa mainit na tubig, haluin, timplahan at presto!  May mga iba na sinasabayan pa ito ng pritong tuyo, sabi kasi nila mas masarap daw ito dahil daw binabalanse ng matamis na champorado ang alat ng tuyo. Para sa akin (at sa karamihan din) naman ay gatas ang inihahalo ko dito, condensed man o evaporated. Mas malinamnam kasi at masustansya pa. Masarap din itong kainin pag tag-ulan, nagbibigay kasi ito ng init sa sa panahong malamig. Pero minsan nilalagay ko ito sa ref at pinapalamig saka ko kakainin, iba kasi trip ko eh :))) May friend nga ako na cheesy bits ang hinahalo nya sa champorado eh. kanya-kanyang trip talaga yan, eh ikaw anong kwentong champorado mo? 

   Kaya kung member ka man ng SMP (Samahan ng Magganda at Pogi)  ngayong darating na pasko, ito ay isang pagkain na nababagay sa`yo . Kasi nga bagay ito sa mga panahong malamig diba? Pampaineeet :>  Nirorokomenda ko rin ito sa lahat, bata man o matanda magugustuhan niyo itong Hot Chocolate Rice Porridge na ito. Kaya hala sige! magpaluto ka na, now na. G O ;)

- Janelle Aerish Y. Hernandez
1H3

   

12 comments:

  1. demanding now na?hahaha =))) oo nga paborito mo nga talaga yan ung sa caf pa e haha sarap naman kasi tlaga.:D

    ReplyDelete
  2. smg? nmn un eh nde smp! dapat samahan ng magaganda at pogi! mali pa spelling epic fail...haha pero masarap nga ang champorado! arte english pa!!nde nmn ako naglaway nung iningles mo..katunayan dapat sasabihin ako soup ba yan??un pla champoy lang..este champorado pla!bsta masarap pagmay gatas at asukal pwede na! --edgar!

    ReplyDelete
  3. *edited. yan SMP na tlga jeje! HAHA. WOAAAHH! ganda ng new bg ah? o_o -nel

    ReplyDelete
  4. Kaya hanggang ngayon niyaya ko ang mga kaibigan ko sa Cafeteria ng school namin kapag may champorado sa kanilang menu, diba EEW? :))

    OO DIBA :) Tara champurado tayo. araw araw. tas nova :)
    -karllaa

    ReplyDelete
  5. Ahhhh all-time favorite! :)) Pinalanding pangalan ng Champorado! Hahahaha! "PAMPAINEEET!" >:) Hahahaha. Ayos!- Chai

    ReplyDelete
  6. ETO PALA ENGLISH NG CHAMPORADO. HAHAA SARAP TLAGA TO. TAS ASUKAL PATI GATAS! -POGI

    ReplyDelete
  7. Gusto ko talaga to simula bata ako! Isa ito sa mga pagkain na hindi ko malilimutan. Kay tagal ko na rin hindi nakakatikim nito. Ang tagal ko na ring hindi kumakain nito,gusto ko tuloy kumain ngayon! :D

    _Tricia^^

    ReplyDelete