Saturday, November 27, 2010

Beef Curry!




Unang tingin ko pa lang sayo, tinakam mo na ako.

Ang Beef Curry ay isa sa mga paborito kong pagkain. Una ko itong natikman sa isang Japanese restaurant at akoý talagang nasarapan. Kahit hindi ako mahilig sa maanghang, naging patok ito sa aking panlasa. Ang putaheng ito ay may mga sangkap na karne, patatas, carrots, sili, bawang sibuyas at curry powder. Ang karne nito ay malambot at malasa. Napakalinamnam naman ng sarsa nito. Sarsa pa lang, ulam na! Pagdating naman sa carrots, mas magiging masarap kung ito ay medyo malutong at hindi masobrahan sa luto. Ang patatas naman ay dapat maging malambot, ngunit hindi malapsa. Napakasarap nito lalo na kung katamtaman lamang ang anghang nito upang hindi matalo ang lasa ng karne. Ang putaheng ito ay may taglay na anghang na nakakagana talaga kumain.  

Maraming rin palang sustansya na puwedeng makuha mula sa Beef Curry, ang ilan sa mga ito ay manganese, calcium, phosphorus, at sulphur compounds na nagmula sa bawang at sibuyas. Fiber na nagmula sa mga sili. Ang carrots naman ay mayaman sa bitamina A at potassium. Ang patatas ay nagtataglay ng iron, zinc, potassium, magnesium, carbohydrates at calories. At ang karne ay nagbibigay protein at carbohydrates.

Ang Beef Curry ay napakasarap, malinamnam at malasa. Nagtataglay pa ito ng maraming mineral na nakakatulong sa ating kalusugan. Kaya subukan niyong magluto ng putaheng ito upang matikman at malaman ninyo ang katotohanan ng aking artikulo.

Rañada, Melissa Abigail B.
1h3

12 comments:

  1. di ko pa nattry yan. chicken curry pa lang. masubukan nga. :>
    - jhulie

    ReplyDelete
  2. grabe sa litrato palang ay mukhang masarap na lalo pa siguro pag natikman na talaga. :)

    ReplyDelete
  3. mukha ngang msarap.. ako din d pa nktikim nian.. chicken curry p lng:) try ko nga din:)

    -ruth

    ReplyDelete
  4. wow ...grabe!! npakawagas ng mga ginamit mong salitang tagalog.. may tama ka ate.. tingin plang nakakatakam ..hmm...yummy!!

    ate mrunong kb nito luto? patikim aa..

    ReplyDelete
  5. wow mukhang napakasarap nga nitong beef curry ah...matikman nga! :)

    ReplyDelete
  6. curry!!!curry!!paborito ko yan pagjune nga lang... :D ewan ko kung bakit laging yan ata ulam namin pagJune eh..hahaha --edgar

    ReplyDelete
  7. Mukhang masarap ah! Hindi pa ako nakakatikim nyan kaya susubukan ko ito minsan. :) -cheska

    ReplyDelete
  8. di pa rin ako nakakatikim nyan, gusto ko ma-try! :) -nel

    ReplyDelete
  9. wow! picture pa lang mukhang masarap na

    ReplyDelete
  10. wow. sarap naman nyan.. nagutom tuloy ako.. pag uwi ko ng pinas kailangan makatikim ako nyan..

    ReplyDelete
  11. Woooow. Kung may chicken curry pala, meron din palang beef curry? Pak! Gusto ko tikman ;;)- Chai

    ReplyDelete