Naaalala mo pa ba ang mga pagkaing pinatikim sa iyo ng iyong nanay? Ang mga pagkaing kapag kanyang sinabihang masarap ay tunay nga namang kaaya-aya ang lasa. Mahilig magluto ang aking ina at siya rin ay nagttrabaho noon sa isang restawran kaya’t maraming pagkain ang akin ng natikman. Bata pa lamang ako ay sanay na ang aking panlasa sa iba’t ibang mga pagkain. Nariyan ang iba’t – ibang uri ng sinigang, inihaw at adobo, puchero, kalamares at marami pang iba. Isa sa kaniyang mga pinatikim sa akin noon ay ang sisig. Una ay nagdadalawang isip ako na ito ay tikiman, sapagkat hindi ko mawari kung anu-ano ang mga sangkap na nakapaloob dito. Pinauna ko muna ang aking mga kapatid sa pagtikim nang sa gayon ay maging sigurado ako sa lasa nito. Nang kanilang matikman, sila ay nagwalang kibo. Hindi ko tuloy alam kung ano ang lasa nito. Sa huli ay kailangan ko ng tikman ito, wala ng iba pang titikim kundi ako na lamang. Sa aking pagsubo ay dinadahan-dahan ko ang pagnguya at isa-isang nilalasahan ang mga sangkap nito. Ang umagaw ng aking pansin ay ang malulutong na pork jowl o ang balat ng baboy. Sa sarap ng aking unti-unting pagnguya at pagsuri sa pagkaing ito ay ‘di ko na napansin na unti-unti na rin pa lang nauubos ang sisig sa hot plate. Naunahan na ako ng aking mga kapatid sa pagkain! At simula noon ay hinahanap-hanap ko na ang sisig ng Jaymi’s o mas kilala bilang Dencios’.
Ang pangkarinawang sisig na alam ng maraming tao ay gawa sa purong lamang loob ng baboy. Ngunit ang aking paboritong sisig ay ‘di lamang pangkaraniwan. Ang mga sangkap nito ay pinakukuluan, piniprito at pinagsasama-sama sa isang hot plate. Isa-isang hihiwain sa malilit na parte ang malulutong na pork jowl na ipinirito at igigisa ang bawang kasama ang utak ng baboy sa hot plate. Pagsasamahin ang mga ito at ihahain. Wala kang matitikmang pait, lansa o kahit na anong kapintasan sa pagkaing ito. Samahan mo pa ng kalamansi, toyo at sili. Tunay nga naming napakasarap ng sisig na ito. Para bang sa sobrang sarap nito ay aaraw-arawin mo ang pagkain ng sisig. Yun nga lang, highblood ang iyong aabutin!
Kapag ako ay bumibisita sa aking nanay sa kaniyang trabaho noon ay ito ang aking natatanging inoorder, ang S3, isang hot plate na may java rice, atsara at ang sisig na espesyal samahan mo pa ng isang tasa ng sabaw. Kapag ako ay kumakain ngayon ng sisig ay naaalala ko tuloy ang hayskul na kung saan ay lagi akong nagbabaon nito at aming pinagsasaluhan ng aking mga kibigan. Kasama ko noon sila Realuyo, Abadilla, San Diego, Navarro, Orquiza, Diwata, Foz, Suaco, Pacsa at FRANCISCO. Lahat kami ay nagsasalu-salo sa pagkaing ito hanggang sa lahat ay maubos. Maging sila ay nasiyahan sa kanilang natikman. Ako ay nagsilbing endorser ng sisig na ito. Kaya’t halina at tikman na ang sisig na kapares. Kapag ito ay iyong natikman sigurado ikaw ay mawiwili. Ito’y iyong hahanap-hanapin! Tara try mo na!
-Rosa Carmina Varona 1H3-
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteTalaga nga namang nakakagutom ang isinulat mo dito. Naala ko tuloy ung una ko rin natikman ang sisig. Akala ko rin nung una ay hindi masarap ang sisig dahil sa itsura nito,nguit kapag natikman mo na ay hindi ka na makakapagpigil sa pagkain nito.
ReplyDeleteYum! Gusto ko tuloy kumain ngayon :]
_Tricia^^
Ay wow! Gustung-gusto ko yang Sisig ng Dencio's <3 Sobrang sarap lang. -Belle
ReplyDeleteBat andaming in-love sa Sisig? Haha! Di pa ko nakakatikim neto sa Dencio's :))-Chai ツ
ReplyDeletematry nga ang sisig sa dencio's :)
ReplyDeleteNay! Hahaha! Masarap nga iyan! Fav ko yan sa dencio's kaso nakaka HIGH BLOOD eh. sumasakit batok ko at nahihilo ako! HAHA! :)) -SESE
ReplyDeletematry nga yan.. muka ngang masarap:))--kath
ReplyDeletegusto ko rin ang pagkain ng sisig! lalo na kpag may pinigaan ng kalamansi at may itloG! yum!
ReplyDeletehaha, favorite mo tlga yan :))
ReplyDelete-sean :)
Favorite mo pala yan. =)) halata ko nga eh. pare nakakahigh blood yan... :>
ReplyDelete-marc
daming may gusto ng sisig ah. Hindi ako mahilig sa sisig, pero nung nabasa ko ito natakam ako. YUMMY! -nel :)
ReplyDeleteHindi pa ako nakakakain sa Dencio's. Kaya pag nagpunta kami don, titikman ko yan. :) -cheska
ReplyDeleteBawal bawal ka diyan, and so ngayon kung gabi, magkakape ako kung gusto ko, decafinated naman eh. Ang sarap kaya, try mo! :))
ReplyDelete- Elo
BEB! SARAP TALGA NETO. HAHA PAREHAS TAYOOO. LOL BAT WALA AKO SA MGA PANGALAN DOON? -POGI
ReplyDeleteBEB PAREHAS TAYOOO. SARAP TALAGA NETO, MAS MASARAP PA SA GERRYS! :P WEH BAT WALA AKO SA MGA PANGALAN KANINA. LOL -POGI
ReplyDeleteYAN KASAMA KA NA.
ReplyDelete