Friday, November 26, 2010

Sinigang na Hipooooon!

Tayong lahat ay mayroong mga paboritong pagkain. Kagaya ng iba, ako rin ay mayroong paboritong putahe...ito ay ang "Sinigang na Hipon." Simula pagkabata ko pa lang ay mahilig na ako sa hipon at sa sinigang kaya nahiligan ko rin ang putaheng sinigang na hipon. Ito ay isang putaheng Pinoy na kadalasang inihahain tuwing may pista o kapag nagsasalo ang pamilya.
Ang sinigang na hipon ay madali lamang lutuin. Ito ang mga sangkap na kailangan: hipon(sugpo), sampalok, sibuyas,kamatis, labanos, sitaw, kangkong, asin at patis. Pakuluan ang sampalok hanggang sa ito ay lumambot at makuha ang juice nito. Sa isa pang kaserola ay magpakulo ng tubig at ihalo ang kamatis, sibuyas, labanos, at ang juice ng sampalok. Kapag ito ay malambot na ay hinaan ang apoy at ihalo na ang hipon, kangkong at sitaw. Hintaying maluto. Haluan ng asin at patis. Pagkatapos ay handa na itong kainin.

Sa panahon ngayon ay mahal na nga ang hipon, ngunit ang putaheng ito ay siguradong masarap at hindi pagsisisihan. Ang lasa nito na pinaghalong asim mula sa sampaloc, tamis mula sa mga gulay, at alat mula sa asin at patis ay siguradong magugustuhan ng sinumang makatitikim nito.

--Deang, Maria Monica G.

11 comments:

  1. Ayyy saraaap! Yung sabaw, heaveeen! Pano pa kaya kung sugpo pa no? Hmmmm. Da best pag tanghalian. :)-Chai ツ

    ReplyDelete
  2. Isa ang sinigang sa pinakagusto kong pagkaing Pilipino. Ang sarap kasi nito lalo na ng sabaw na maasim! Talagang mapapakain ka nito kapag natikman mo :]

    _Tricia^^

    ReplyDelete
  3. Mukhang masarap kaso bawal ako kumain nian eh :)) -SESE

    ReplyDelete
  4. paborito ko rin ang sinigang...lalo na ang hipon! :) tlagang ramdam mo ang lasang pinoy! :)

    ReplyDelete
  5. sarap nmn niyan! nkkagutom.. :))

    ReplyDelete
  6. all time favorite ko yan :bd -nel

    ReplyDelete
  7. Gusto ko din yan! Lalo na pag maasim ung sabaw! :) -cheska

    ReplyDelete