Friday, November 26, 2010
PANLASANG PINOY! :>
Ikaw ba ay nagugutom? Pero medyo bitin ang iyong pera? San ka pa pupunta? Syempre sa mga sulok-sulok ng kantong may ihawan. Kung saan dito mo matatagpuan ang iba't ibang all time peyborit inihaw ng mga pinoy, ang Bbq, Dugo, Adidas, Tenga, Isaw ng baboy, at ang paborito kong ISAW NG MANOK! Tanging ang Isaw ng Manok ang pinakagusto ko sa mga ito dahil masarap na nga, pasok na pasok pa sa budget, kaya naman saan ka pa?
Sa mga hindi nakakaalam, marahil ay nagtataka kayo kung ano nga ba talaga ang Isaw ng Manok? Ang Isaw na ito ay gawa sa lamang loob o intestine ng isang manok. Siguro nga para sa ibang taong hindi pa natitikman ito, iisipin nilang kadiri kainin ito. Oo, aaminin kong kadiri nga naman itong pakinggan ngunit kapag natikman mo ito ay tiyak na magugustuhan mo. Tandaan na hindi mo malalaman ang lasa ng isang pagkain kung titignan mo lamang ito. Maaaring nakakadiri ito sa paningin ng iba pero nakakagutom naman sa iba.
Dati, hindi din naman ako kumakaen ng Isaw na yan. Ngunit nang pinatikim sa akin ito, grabe! Ang sarap pala talaga! Lalo pa't kung isasawsaw mo ito sa sukang may halong sibuyas at bawang tapos ay medyo maanghang-anghang pa! Talaga nga namang hahanap hanapin mo ito. Pero mag ingat din kayo, dahil sabi ng iba ay nakakasakit daw ang laging pagkaen niyan. Syempre hindi mo naman aaraw arawin ang pagkaen ng Isaw diba? :)) Depende pa rin naman ito sa kakainan ninyo, kung malinis man o hindi. Para sa akin, wala akong pake kung malinis yan o hindi. Malakas naman ako eh! :P Itong Isaw ng Manok ay pwede mo ring gawing meryenda, o di kaya ay ulam sa gabi. Iyon kasi ang madalas kong gawin, kapag di masarap ang ulam sa hapag-kainan, kukuha na ako ng kaunting barya sa wallet ko o wallet ng aking nanay, tapos ay diretso na ako dito sa kabilang kanto sa amin. Kumbaga, ALAM NA!
Matapos niyong basahin ito, sana ay gumawa kayo ng oras para magpunta sa mga kanto diyan sa inyo, hanapin at namnamin ang sarap ng ISAW NG MANOK. Dali na, kaen na tayo! Libre mo ko ha?
Ervin Francisco :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
KUMBAGA, ALAM NA! :)
ReplyDeleteAno ba yan erbino. Yung nasa espana ba yung gusto mo? Isaw lang pala talaga.. :-" Sasama kita sa pnoval! :)
-k
Tara kaen tayo!haha!sarap nyan!
ReplyDelete-aaron mejico
YIZ. loveit :) super healthy nyan noh? lol -nel
ReplyDeletekahit hindi ako kumakain ng isaw ramdam ko na masrap it :)) haha masubukan na nga :))
ReplyDeleteWow Masarap kaso hindi ako kumakain ng isaw haha
ReplyDelete_Christopher Tamayo
haha sarap niyan pare lalo na pagkatapos kumain .
ReplyDeletePinakapaborito kong street food and isaw ng manok! Talagang masarap! :) -cheska.
ReplyDeletewow ang sarap naman nyan ervin. talagang patok sa mga estudyante na katulad natin ang apagkain na yan.
ReplyDelete-niru
Ay da best pare! Isaw? APIIIR! Heaveeen din yan pampuluts! HAHAHA! Ano HA?! :)))) Pak na pak! Nakakapang-laway tingnan yung ginamit mong picture!-Chai ツ
ReplyDeletethe best ang isaw sa pacita haha wala lang share lang.:D nakakadiri mang isipin na ung laman ng isaw e mga kinain ng manok, e ano masarap naman e noh hahahahah
ReplyDeleteHindi pa ko nakaktikim niyan. Pero dahil sa sinabi mo dito masarap at lagi din sinasabi ng mga kaibigan ko na masarap yan susubukan ko sa susunod :D
ReplyDelete_Tricia^^
NICE PAPI! Hahahaha! Kain tayo nian sa tue. Hahaha. labyu pre. -SESE
ReplyDeleteISAAAW! :)) napakasarap nga nyan lalo na pag isinawsaw at ibinabad na sa suka! :O
ReplyDeletenice choice pogi :)) libree. haha :D
ReplyDelete-sean :)
PANALO! :D
ReplyDelete- Elo
napaka husay ng iyong napiling pagkain pinoy na pinoy. :)
ReplyDelete