Monday, November 22, 2010




Chocolate Cake:  Tamis ng Pagsasamang Natural



Marami sa atin ang mahilig sa matatamis na pagkain gaya ng ice cream, crepe, candy at marami pang iba. Sa lahat ng masasarap na pagkaing ito, ang aking hilig kainin ay ang Chocolate cake. Ito ay maaaring natabunan na ng mas pinasarap pang mga cake at sikat na sikat na ngayon gaya ng Chocolate Mousse, Black Forest at iba pa. Ngunit para sa akin, ang natatanging sarap nito at simpleng anyo ang nakapagpapaangat sa iba.

Natatandaan ko noong ako’y maliit pa, 7th birthday ko noon. Ang aking ama at mga kuya ay binilhan ako ng malaking chocolate cake para sa aming selebrasyon. Sa ibabaw nito ay may mga figurines pa ng aking paboritong cartoon character at pinalibutan din ng mga icing at bulaklak. Kasabay ng iba pa naming handa, sama-sama kaming kumain ng Chocolate cake. Hindi ko makalilimutan ang sarap at sayang naramdaman ko sa pagsubo at pagnguya ng bawat piraso ng Chocolate cake. Goldilocks pa ang tatak nun at hindi pa sikat at uso ang Red Ribbon. Sa aming kwentuhan at tawanan, ang Chocolate cake ang siyang kumumpleto ng aming araw. Magmula noo’y ito na ang aking naging paboritong flavor ng cake. Madalas ko na ring hinahanap-hanap ang tamis at sarap nito.

Ang Chocolate cake ay pwedeng-pwede na panghimagas sa kahit anong okasyon. Ito man ay maging sa kasal, house blessing, pyesta at iba pa. Pwede rin naman kahit sa simpleng kwentuhan lamang kasama ang mga kamag-anak, kaklase o kaibigan. Ito ay mabibili sa halos lahat ng bakeshop sa Pilipinas. Ito rin ay may presyo na hindi mabigat sa bulsa at kayang-kaya. Kung ikaw nama’y mahilig magbake at nais gumawa ng sarili mong Chocolate cake, ay madali lang. Ang mga kasangkapan at mga steps sa paggawa nito ay madaling makikita sa mga libro na pangluto o maging sa internet. Ang pagbigay ng Chocolate cake sa inyong mga mahal sa buhay bilang regalo o pagpapakita niyo ng pagmamahal ay maganda ring paraan upang makapagpapataba ng puso. Ngayong kolehiyo ay kinuha ko ang kursong Hotel and Restaurant Management at nangangarap na mas malinang pa ang kaalaman ko sa pagluluto at pamamahala ng restaurant o maging sa hotel. Isa sa aking mga layunin ay ang makabuo ng sarili kong bersyon ng Chocolate cake at pasikatin ito hindi lang sa ating bansa ngunit sa buong mundo.

Ang Chocolate cake ay maaaring pangkaraniwan lamang pero sa kabilang banda, ito ay mabili pa. Tamang-tama itong pagsaluhan ng mga tao na mayroon ding tamis na pagsasamang natural.







Florabelle B. Buendia
1-H3

18 comments:

  1. Paborito ko din ang chocolate cake! Kahit na hindi cake, basta chocolate ang flavor ay gusto ko. :) \m/

    ReplyDelete
  2. ansarap naman pahingi, biro lamang :) pero paborito ko rin talga ang chocolate cake :)

    ReplyDelete
  3. Wooow! Ansarap naman. Nakakagutom! :)

    ReplyDelete
  4. napakahusay ng iyong paglalarawan sa iyong napiling pagkain. Nakumbinse mo akong sulit na iregalo ito sa aking kasintahan :)

    ReplyDelete
  5. Bes, bigyan mo naman ako ng Chocolate cake gusto ko straight from the heart haha. Gusto ko ng matikman ang iyong mga lulutuin. :*

    - Evrissa Santos

    ReplyDelete
  6. Ang galing naman ng yong paglalarawan sa chocolate cake! Napakasarap ka niyan!

    ReplyDelete
  7. Kay tamis nga naman. :"> Saraaaap! Mainam itong dessert. Mmmmmm.

    ReplyDelete
  8. Masarap yan sir! Penge!!:)))) Yummy!!>:D<>:D< --maimai

    ReplyDelete
  9. lahat ng choco cake gusto q, pero ang pinakapaborito q ay ang chocolate mousse! :D -clemmers

    ReplyDelete
  10. Kahit na madaming calories ang Chocolate cake eh, ayos lang dahil masarap talaga! :)

    ReplyDelete
  11. aw, nakakagutom naman. CHOCOLATE CAKE is THE BEST -nel

    ReplyDelete
  12. grabe belle, picture palang e. talaga naman! hahaha winner to. :) the best tlga chocolate cake =)

    ReplyDelete
  13. talagang masarap ang chocolate cake :D - jonas

    ReplyDelete
  14. wala talaga makakatalo sa sarap ng orihinal na flavor ng keyk...hindi ba belle?--bongon

    ReplyDelete
  15. Grabe! Paborito ko rin yan! :)) HAHAHA!
    Gawa tayo nyan :D -- Chai ツ

    ReplyDelete
  16. wow. sarap naman nyan. :)) makakain nga.haha

    ReplyDelete
  17. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko talaga ang kursong HRM dahil tayo ay matutong magbake ng mga ganito. Mahilig talaga kasi ko sa mga matatamis!:D
    Wala talgang tatalo sa chocolate cake! :D

    _Tricia^^

    ReplyDelete
  18. mahilig din ako sa chocolate cake.. napakasarap nito!:))

    ReplyDelete