Friday, November 26, 2010

Bulalo - Wala kang talo

cthm1h3.blogspot.com


Ito ang paborito ko.Ang BULALO!

Madalas nating naririnig ang mga katagang “Kapag may tiyaga,  may Nilaga”. Ito naman ang bersyon ko para sa Bulalo, “Kapag may buto, may Bulalo”. Ito ay sa kadahilanang ang pangunahing sangkap ng Bulalo ay ang buto o tinatawag na bone marrow ng baka.Ito ay kadalasang tinatawag na “Utak”. Ito ay nakakapagpataas ng kolesterol sa ating katawan pero ayos lang dahil masarap padin eh. Ang butong ito ay ang nagpapalasa sa sabaw ng bulalo.Medyo may kahirapan nga lamang ang pagluluto nito.Ito ay pinapakuluan ng  hindi bababa sa apat na oras. Ang bulalo ay kilala na ng bawat Pilipino. Ito ay ang pinaka –paboritong sabaw sa hapagkainan dahil sa init at linamnam ng sabaw nito. Wala nang tatalo pa sa sarap ng sabaw nito.

Ito ay sikat na sikat sa mga beerhouse at sa iba pang kainan sa bansa. Karaniwang makakakaen at makakakita ng ng bulalo sa Tagaytay at Batangas. Madalas nadadaanan ang mga kainang ito sa mga highway na dinadayo ng mga motorista. Ang bulalo ay masarap kapag may kasamang  kalamansi at sili. Napapadame ang kaen ko kapag may ganito kasi ang sarap ng karne kapag maanghang. Kapag natikaman mo ang bulalo ay parang sumisigla ang iyong pakiramdam at pinagpapawisan. Mas masarap ng bulalo kapag ang klima ay may kalamigan at lagging umuulan. Lage din itong ginagawang pulutan.Kaya sa mga mahilig uminom dyan…pag shumot kayo..samahan nyo ng bulalo..=))


-Aaron Mejico
1H3

13 comments:

  1. Uy aaron!! :)
    Haha luto tayo bulalo. alam ko kung bakit mo to paborito :)
    -K

    ReplyDelete
  2. PANG BEERHOUSE AH. HAHAHA SARAP MEN.

    ReplyDelete
  3. bulalo + patis wid calamansi and sili = HEAVEN -nel

    ReplyDelete
  4. bulaloooo! super sarap niyan :))

    ReplyDelete
  5. Mataas nga sa kolesterol yan, pero masarap! :)

    ReplyDelete
  6. Woooww Bulalo! Tamang-tama. Magtatanghalian na oh! Pak! Heaven lalo na mainit na sabaaaw. -Chai ツ

    ReplyDelete
  7. nakakasira ng panga kapag ung buto ung nginuya mo at hindi ung karne haha wala lang. pero masarap nga ito.:D

    ReplyDelete
  8. nako napakasarap nito lalo na pag nasa tagaytay ka! :) napakasarip din ang marrow ng buto!sipsipin!haha.. :))

    ReplyDelete
  9. wowww. pampataba ah. hahaha jk, saraaaapp nomon :>

    ReplyDelete
  10. NAPAKA SARAP TALGA NITO!wala nang tatalo pa!

    ---ANGELO

    ReplyDelete