KARE-KARE! pagkaing patok sa panlasang Pinoy.
Noong bata ako mayroong isang putahe ang di nawawala sa bawat okasyon sa bahay ng lola ko, kahit na kaarawan ng isa sa aking mga kamganak, pasko, bagong taon o ang simpleng pagkakaroon ng trabaho ng isa sa amin. Noong una ay inayawan ko to dahil sa mga sangkap nito. Sinabi sa akin ng lola ko na gawa ito sa laman loob, kaya noong una ako'y nag-alinlangan kainin ito. Subalit ng makita ko ang mga pinsan ko na sarap na sarap rito, ako'y nainggit at aking tinikman ito. Nang ito'y aking matikman di ko na napigilan ang aking sarili. Ito'y napakasarap at napakalinamnam.
Ang handaan sa bahay ni lola luisa ay hindi kumpleto kung wala ang napakasarap niyang kare-kare! Paborito ito ng lahat mula sa kanyang mga anak hanggang sa aming mga apo nya at pati na rin sa mga kaibigan ng aming pamilya. Ang pamosong kare-kare ni lola ay gawa sa mga natural na sangkap tulad ng giniling na mani at bigas, ito rin ay napakasustansya dahil sa iba't ibang gulay tulad ng puso ng saging, talong, sitaw at pechay at ang malinanamnam na karne lalo na ang buntot at tuwalya. Higit pa itong pinasarap ng aming espesyal na bagoong.
Yan ang kare-kare. Kung ito'y di nyo pa natitikman ako na ang nagsasabi sainyo di kayo isang tunay na Pinoy kung di nyo pa ito natiktikman. Try nyo masarap kaya!
-Sean Tracy G. Ang
1H3
Ang sarap neto! Kakakain ko lang neto kanina pero parang gusto ko pa. @_@
ReplyDelete- ELO
wow kare-kare favorite ko yan,
ReplyDeleteang sarap nyan at masustansya..:)
hindi lang pampamilya pang sports pa.
PEYBORIT KO DIN KARE KARE! LALO PAG MASARAP BAGOONG! NAKAKAGUTOM! -POGI
ReplyDeletehindi ako kumakain ng kare-kare pero parang masarap nmn :)) maitry nga :))
ReplyDeletemasarap nga yan
ReplyDelete--axl --
wow sarap kainin sarpa ulit ulitan
ReplyDeleteMasarap yan lalo na pag maganda ung mani na gagamitin. tska pag masarap ung bagoong no :)
ReplyDeletehuwaaw. KARE KARE <3 cguradong npakasarap ng luto ng lola Luisa mo.sana matikman ko dn ang luto nya :) malamang isang bagay ang nagpapasarap nito maliban sa sekretong sangkap nya ay ang sangkap dn ng pag mamahal:) iba tlaga kapag ang lola mo ang nagluluto ng ulam.
ReplyDelete- ALTAIR 1H4 :))
kareeee-kareee! da best pag malapot-lapot yung sabaw at lsap na lasap tlga ung mani! :)) tas sasamahan mo pa ng bagoong.haha! winner! -Chai
ReplyDeletenako, sobrang sarap nito. sa bawat restaurant na filipino, e2 ang una qng hinahanap sa menu!
ReplyDeleteMasarap talaga to! Noong una ay hindi rin ako kumakain nito,pero yung natikman ko masarap pla tlaga. Lalo na kung medyo malapot ang sabaw at may bagoong! Ito ang pagkain na talagang nagpapakain sakin ng maraming gulay :D
ReplyDelete_Tricia^^
nice one sean! :)
ReplyDelete(napadaan lang)----alleli