Saturday, November 27, 2010

Sa Silvanas, ika'y mapapabalikwas!


Silvanas

Silvanas? Ano nga ba ito? Katunog ng HAVAIANAS ang pangalan ngunit hindi ito isang tsinelas. Ang Silvanas ay isang klase ng panghimagas. Ito'y hugis pa-oblong na may dalawang magkadikit na parang crust nito. Ito rin ay sinasabing isang cookies na kagaya ng sansrival. Ang crust na magkadikit ay nababalutan ng cookie crumbs at mani. Sa loob naman nito ay may manamis-namis at malinamnam na palaman. Itoy dapat na nakalagay sa freezer upang mapanitili ang sarap at lasa nito.

Natikman ko ang silvanas ng minsang umuwi ang aking tita galing ng Nueva Ecija. Noong una ay hindi ko ito pinansin dahil akala ko hindi ito masarap at hindi rin naman ako mahihilig sa matatamis na mga pagkain. Nung minsang natapos kaming kumain, inalabas ng aking lola sa ref yung silvanas. Nainggit ako sa kanila kasi sabi nilang masarap ito. Tinikman ko na lang ito dahil gusto kong malaman kung bakit sila sarap na sarap.Pagkagat ko sa unang parte nito ay parang kumagat ako ng litson na napakalutong. Ang 'creamy at sweet' na palaman naman nito ay nagbabalanse sa isa't-isa.

Napakatamis nito ngunit napakasarap. Para sa akin, hindi matatawaran ng kahit anong panghimagas ang Silvanas. Hindi ako yung klaseng tao na mahilig sa matatamis ngunit iniba ng silvanas ang aking pag-iisip. Kapag natikman niyo ito, siguradong kayo'y mahuhumaling sa sarap at tiyak na ito'y uulit-uilitin niyo. Hindi ito yung tipo ng pang-himagas na magsasawa ka kapag dinamihan mo ng kain. Maaadik ka lang sa sarap nito. Ou, nakakataba nga ito, pero hindi naman ito halata sa akin na ito ang aking paboritong pagkain. Kapag nagdala noon si Tita ay binabalik-balikan ko iyon sa freezer hanggang sa ubos na. Nagtitinda rin kasi si tita ng Silvanas kaya naman maraming stock nun sa ref. Halos araw-araw akong kumakain noon. Haaay... parang gusto ka nanaman kumain ng silvanas. Naiisip ko yung malinamnam nitong lasa at malutong na crust nito.

Marami ang nababaliw sa Silvanas at isa na ako dito. Kahit na ito'y may kaunting kamahalan at nakakapagpataba din, okey lang kasi masarap naman at parang 'heaven' kapag iyong natikman. Try mo na! Siguradong sa SILVANAS ay maaadik ka.




-ruth elyn erece 1H3

19 comments:

  1. aww. masarap nga yan!! super sarap!! ang tamis na chewy pa. :)) --ystel

    ReplyDelete
  2. mukhang masarap yan ha at matamis :)) matikman nga ito.

    ReplyDelete
  3. SUPER LIKE!ansarap nyan :)) na-Adik ako nyan nung summer :) bumili kme nyan ng pinsan ko ng sang dosena ata :)))hahah!!!-iana

    ReplyDelete
  4. wow..masarap nga yan! :) kaso makalat ngalang kainin kasi nadudurog pag kinakagat..haha..pero msarap nmn! :)

    ReplyDelete
  5. favorite natin yan nung fourth year. hahaha. benta!:)
    -jhulie

    ReplyDelete
  6. parang masarap nga, masubukan nga. :) - melissa

    ReplyDelete
  7. hindi ko maalala kung anong lasa niyan e hahaha pero mukang masraap nga.:D

    ReplyDelete
  8. tama ka jhulie.. mga adik ang amor sa silvanas:)

    ReplyDelete
  9. miss ko na tong silvanas. haha :D -jem

    ReplyDelete
  10. marunong ka gumawa niyan? kung marunong ka titikim ako niyan!

    ReplyDelete
  11. Masarap nga yan! Dala ka sa school! :) -cheska

    ReplyDelete
  12. LOVE it!!!.. me too. kya ko plang ubusin ung isang box n 12's while watching dvd alone.. hhaa nkakapag laway tuloy... yum yum...

    ReplyDelete
  13. kahit hindi ko pa nalalasahan ay mukhang napakasarap nyan
    -eycee

    ReplyDelete
  14. blog mo pa lang.. natatakam na ko ah. :D bat di ko alam to? :)) HAHAHA! gusto ko ding tikman! -Chai

    ReplyDelete
  15. sobrang nakaka-adik to!!! as in soobrang sarap!!! pwedeng araw araw kainin!!

    ReplyDelete
  16. PATIKIM NAMAN SARAP ATA YAN EH -POGI

    ReplyDelete