Malamig ang simoy ng hangin, madaming ilaw ang kumukuti-kutitap, ang mga christmas tree ay nakatayo na. Isa lang ang ibig sabihin nito. Pasko na! Ang pinakahihintay na panahon nating mga pinoy ay ang panahon ng kapaskuhan. Nariyan ang Simbang Gabi, pagbibigayan ng mga regalo, pagkain ng madami, mga tiangge at ang mga tindahan ng samu't saring pagkain sa tabi ng simbahan.Nariyan ang Bibingka, Kwek-kwek, barbeque, isaw, balut, puto bumbong, atbp.
Puto Bumbong - isa itong kakanin na kulay lila at ito ay sinasamahan ng mantekilya, niyog at asukal. Ito ay masarap lalo na pag bagong luto. Napaka popular nito pag sapit ng kapaskuhan. Ito ay mabentang-mabenta lalo na sa mga kabataan. Ang tamis at lagkit ito ay nakakahumaling at tiyak nababalik-balikan mo. Ang puto bumbong ay napaka-sustansya din. Mayroon itong carbohydrates dahil sa kanin at asukal, protein naman sa mantekilya, samantalang ang niyog ay may sandamak-mak na bitamina, mineral at phosphorus. Di ka lang busog kundi malusog ka pa sa pagkain ng puto bumbong.
Ang puto bumbong ay ang pagkain na kumukumpleto ng araw ko. Ang pagkain nito ay tiyak na nakakapagpagaan ng loob ko dahil sa makalangit nitong sarap. Hinahanap-hanap ito ng aking bibig palagi. Nagbibigay ng ginhawa at kasiyahan sa akin ang puto bumbong kaya ito ang aking paboritong pagkain. O sya, tatapusin ko na tong blog na ito sapagkat kakain pa ko ng puto bumbong ngayon. Ciao! :D
-Myron Jonas Reyes, 1H3
weh gaya-gaya kay tricia.!
ReplyDeleteHindi naman heaven yan eh.
ReplyDelete-k
MASARAP YAN :) HINAHAPHANAP KO YAN TUWING PASKO... :]
ReplyDelete-JAZIEL
Wow, puto bumbong :) Gustung-gusto ko yan, lalo na pag maraming niyog :) -Belle
ReplyDeleteMerry Christmas Puto Bumbong :) -nel
ReplyDeleteHeaveeen kaya to! :D Ay nakoo. Hahahaha! Basta maraming cheeeeese. Yummmeh!-Chai ツ
ReplyDeleteay ang sarap neto lalo na pag kakainin after ng misa. :D the best!
ReplyDeleteAng sarap nito. :))))) -SESE
ReplyDeletesarraaap oh, merry christmas =))
ReplyDeletemasarap nga ito lalo na't pag nalapatan na ng butter at nabudburan ng asukal! :) saraapp...
ReplyDeletePinoy na pinoy!
ReplyDelete- ELO