Halo-halo..?hindi ito mawawala sa listahan ng mga pagkaing pangmeryenda lalo na para sa mga Pinoy…Isa ito sa mga patok na pagkain na hinahanap-hanap natin tuwing tag-init dahil sa kakaibang lasa na taglay nito at kakaibang istilo ng presentasyon nito sa tao na talaga namang nakakaakit sa paningin nila…
Sinasabing taglay nito ang iba’t ibang klase ng mga sangkap na pinagsanib sanib pa mula sa iba’t ibang bansa dahil sa kanilang impluwensya dito sa Pilipinas kung kaya’y nabuo ang ganitong klaseng pagkain...Ilan sa mga ito ay ang pulang munggo ng mga Tsino, gorbansos ng mga Indiyano, letse plan ng mga Kastila, at ice cream ng mga Amerikano…
Karaniwan na nating nakikita ang pulang munggo, gorbansos, kaong, makapuno, saging na may arnibal, ginadgad na yelo, at gatas na ebaporada bilang pangunahing sangkap ng halo-halo…Karamihan sa mga nagtitinda ay ito ang kanilang sangkap na gamit sa paggawa nito at nabibili lamang sa halagang bente pesos…Nagiging espesyal naman ito kapag nilagyan pa ng lankga, sago, nata de koko, ube, kamote, matamis na buto ng mais, pinipig, letse plan, sorbets, gulaman, at pili…
Ngunit iba’t iba man ang paraan ng paggawa nito, ma pa ordinaryo man o espesyal at kahit na iba’t iba pa ang sangkap na inilalagay sa bawat lalagyan, taglay parin nito ang pagbibigay ng kasiyahan sa mga kakain nito…Ito ang dahilan kung bakit para sa akin halo-halo ang aking paboritong pagkain sapagkat sumisimbolo ito ng aking pagkatao na kahit magkakaiba ang aking karakter masasabi kong naiiba ako sa lahat at para sa akin ito ay isang ‘unique’ na pagkaing Pinoy dahil pinakikita nito kung paano nagiging malikhain ang mga Pilipino sa pagbuo ng kakaibang pagkain sa tulong ng mga impluwensya ng karatig bansa…:))
-Sabanal,Sunshine J.
1H3
wow.. masarap nga ito lalo na pag tag init! :)
ReplyDeleteNice, halo-halo. Ang pinakagusto ko talaga dyan ay ang ube at syempre ang icecream sa ibabaw nito! :) Ayos kapag summer -Belle
ReplyDeleteMasarap nga ang halo halo, lalo na pag mainit ang panahon. :) maganda din sa paningin dahil sa iba't ibang kulay kaya nakakaakit ito kainin. :D -cheska
ReplyDeletesaruup yan lalo na pag may icecream/leche plan. YUMMY -nel
ReplyDeleteSAKTONG SAKTO LALO PAG SUMMER! -POGI
ReplyDeleteWINNER! Parang can't wait na sa summer nang mabasa ko blog mo! HAHA! -Chai ツ
ReplyDeleteMasarap talaga to lalo na't kung maraming halo ng mga sangkap! Hindi nagiging kumpleto ang summer ko kapag hindi ako kumakain nito. Parang gusto ko na tuloy duamting ang summer dahil dito :]
ReplyDelete_Tricia^^
sarap neto lalo na pag madaming leche flan.:D hindi ko kinakain dto ung kaong haha pero the best to.:D
ReplyDeletepaborito ko sa halo halo ang leche flan!haha :)) yummm
ReplyDeletewow! sarap nmn nito lalo n pg summer! :)
ReplyDelete