Hindi man katakam-takam ang itsura nito, natitiyak kong iibigin mo ito sa oras na matikman mo.
Hindi lahat sa atin ay pamilyar sa putaheng ito, dahil ito ay mula sa Bicol region. Mayroon itong halong katas ng niyog o mas kilala bilang gata, kaya naman ito ay talagang masarap. Sa una ay mag-aalangan kang kainin ito dahil sa napakaraming sili na nakahalo dito, ngunit iyon ang sikreto sa masarap na putaheng ito. Ang pangunahing sangkap nito ay pinatuyong dahon ng gabi. Samakatuwid, ito ay isang napaka-masustansyang pagkain.
Sa ating panahon ngayon na kung saan ay sumulpot ang iba't-ibang fast food chains sa paligid at usong uso na din ang mga instant food tulad ng instant noodles, hamburger at pizza, hindi ba't nakaka-miss ang mga pagkaing Pinoy na lutong-bahay tulad ng Sinigang, Kaldereta, Menudo at syempre pati Laing? Halina't muling buhayin ang nananamlay na panlasa ng ating mga kababayan. Natitiyak kong sa anghang ng siling labuyo at sa linamnam ng gata ng niyog ay matatakam at mabubuhay ang ating mga natutulog na taste buds.
Matagal-tagal narin ng huli akong makakain ng laing, siguro ay isang taon na rin ang nakalilipas. Ngunit natitiyak kong hindi ko malilimutan ang linamnam ng putaheng ito. Ito ay nagbibigay sa akin ng kakaibang galak at para bang muli akong bumabalik sa aking pagkabata, sa mga panahong nanlilimahid ako sa pawis dahil sa walang sawang paglalaro at pagtakbo. Naaalala ko din ang aking lola, na tila daig pa si Mama Sita dahil sa kanyang angking husay sa pagluluto. Siya ang unang taong nagpatikim sa akin ng putaheng ito noong bata pa 'ko, kaya naman ay naaalala ko sya sa tuwing kumakain ako ng Laing. Enjoy na enjoy ako sa luto ng aking lola. Tila ba nagbabalik sa aking isipan ang mga alaala ng aking pagkabata. Isang batang nalasing sa sarap ng Laing.
Subukan nyo narin, masayang malasing sa sarap!Ü
--Lyanne Neri B. Cebu
1h3
Laing, mukhang masarap yan ha. makatikim nga. :))
ReplyDelete-Lexine
masarap nga ang laing, hahahaha lalo na yung sa goldi pati luto ng nanay ko :) -gam
ReplyDeletepano pag di ako nalasing jan? :) isang taon na pala nakalipas eh. tara laing tayo bukas :)
ReplyDelete-k
Masarap talaga ang laing. MASUSTANSYA pa. TARA ANYTIME YOU WANT, LAING ALL NIGHT! >:)))
ReplyDeleteMasarap na, Mura pa! napaka sarap nga talaga ng Laing, isa nga ito sa mga paborito kong kainin at lutuin na putaheng pinoy. yum yum yum! ROCK! :)
ReplyDelete-Jed \m/,
Masarap na, mura pa. :D
ReplyDelete- Elo
nakakagutom ah
ReplyDeletedi pa ko nakakatikim nito, masubukan nga. -nel :)
ReplyDeletetunay ngang masarap ito lalo na pagmadaming sili. ako last na kain ko nito kahapon ng kahapon lang.haha pero gusto kong matikman ang luto ng iyong lola sita na daig pa si mama sita hahaha! patikim ha :))
ReplyDeleteUy nakatikim na ko ng laing! Masarap tlaga! Kaso yung walang sili, di ksi ako mahilig sa maaanghang eh. Hahaha. :) -Chai ツ
ReplyDeleteOH YES :) I Miss my Lolo tuloy. :"> -Janina
ReplyDeleteay naku bebs.. haha.. di ako kumakain nyan pero dahil sa sinabi mo ay parang gusto ko na itong tikman..:))) --kath
ReplyDeletewow babesy kumakain ka pla nyan. napaka'health, ma'try nga. hahah :DD
ReplyDelete