Wednesday, November 24, 2010

Oooohh lala...Sinigang na Baboy!! :))


        Kilala tayong mga Pilipino na likas na mahilig sa mga pagkain; kaya naman nakakalikha tayo ng iba't ibang klase nang pagkain pumapatok sa maraming Pinoy at pati na rin sa mga dayuhan. Ang pagkahilig natin sa mga pagkaing masasarap ay nagpapatunay na ang istilo o paraan ng pagluluto ng putahe ay hindi basta basta at mas napapalago at napapatatag pa natin ang trdisyonal na kultura nating mga Pilipino.

          Ang putaheng Sinigang na Baboy ay kilalang lutong bahay na pagakain ng mga Pinoy. Ang mga masasabaw na pagkain gaya ng Sinigang na Baboy ay sadyang kinahihiligan natin. Bilang isang Pinoy na tunay na mahilig sa masasabaw na pagkain, napili ko itong Sinigang na Baboy na aking paboritong pagkain. Ang amoy sustansya,linamnam,init ng sabaw at maasim na lasa ang nakapagpahikayat sa akin na magustuhan ito.

          Bata pa lang ako noong una ko itong matikman at naging paborito ko na itong pagkain. Sa pagkain na ito una akong natutong kumain nang mga gulay. Ang Sinagang na Baboy ay isang masustansyang pagkain dahil sa mga sangkap na gulay. Anu- ano nga ba ang mga sangkap nito? Unahin natin ang mga gulay; kangkong, kamatis, okra, gabi, sitaw, siling panigang, puso ng saging, at labanos ay ilan sa mga gulay na nagpapasustansya sa pagkain. Ang karne namang baboy ay nagpapadagdag ng sarap. Ang pinagang katas ng sampalok ang mas nagpapasarap at nagpapaasim sa sabaw. Nilalagyan din ito ng asin para sa lasa at kung minsan ay mayroong "Sinigang Mix". Ang init at sarap ng sabaw ay mistulang pumapawi ng aking pagod at napapagaan nito ang aking mabigat na pakiramdam. Ang pagkain na ito ay talagang nakakapukaw sa panlasa ng mga tao dahil sa asim na dulot nito na mapapapikit ka sa sarap. Hindi gaanong mahirap hanapin ang ganitong klase ng pagkain dahil isa itong lutong bahay. Ngunit, maari rin itong matagpuan sa mga karinderya at mga sikat na Pinoy restwaran katulad ng Max's at Barrio Fiesta.

          Masasabi kong ang Sinigang na Baboy ay tunay na masarap sa aking panlasa at kailanman ay hindi ako magsasawang kainin ito. Matuturing ko itong pang- masang pagkain dahil sa sarap at mura nitong sangkap. Kaya naman tikman natin ang sarap at tunay na gawa nating mga Pilipino, ang Sinigang na Baboy!




Lorraine Angela M. Santiago
1H3




15 comments:

  1. Pareho tayo! Isa rin yan sa mga paborito ko at isa sa mga pagkain na nagpapakain sakin ng gulay.
    Nagutom tuloy ako nung nabasa ko tong nasulat mo!

    ReplyDelete
  2. Masarap nga talaga ang pagkain na Sinigang na Baboy lalo na kapag ang sabaw nito'y mainit at napakaasim. Totoo ang nasa blog na masustansya ito dahil nga sa mga gulay na sangkap. Ang Sinigang din ang isa sa mga paborito kong pagkain kaya naman sumasangayon ako sa mga nakasulat sa blog.

    ReplyDelete
  3. Tunay ngang masarap at masustansya ang putaheng Sinigang. Sa mga sangkap ng Sinigang na sinasabi sa blog ay malalaman mo na kung gaano ito kasustansya at kasarap. Sinasabi dito ang mga gulay na sinabi sa blog ay masustansya at ang baboy at ang sampalok ay tunay na nagpapalasa sa pagkain. Sumasangayon ako sa sinabi sa blog na ang mga Pilipino ay mahilig kumain at magluto. Sa pagkain na lang na tulad ng Sinigang na Baboy ay makikita na natin ito.

    ReplyDelete
  4. Luto mo nga kaming lahat neto Lou-A? :))
    - Elo

    ReplyDelete
  5. Mmmmm, sabaaaaww. Masarap itong kainin lalo na't malamig na ang simoy ng hangin dahil sa nalalapit na pasko. Brrrr. :)

    ReplyDelete
  6. Masarap talaga ang Sinigang! Lalo na ang sabaw nito. :) Pagluto mo kami nyan! :)-cheska

    ReplyDelete
  7. ang karne ng baboy na talagang kinagigiliwan at ang kumbinasyon ng asim at anghang ng sabaw.. ito ay isang ulam d pedeng makalimutan ng bawat pinoy. XD -clemmers

    ReplyDelete
  8. sumasang-ayon naman ako sa nakasaad sa nasabing blog. Tunay nga namang patok sa panlasang-Pinoy ang Sinigang na Baboy, sa sabaw at amoy palang, busog ka na. Bukod sa linamnam nito, nakahuhumaling din ang amoy nito kapag bagong luto.Sa madaling salita, ako rin ay hindi magsasawang kumain ng putaheng ito.:)

    ReplyDelete
  9. paboritong putahe ko ito. basta sinigang, tatak pinoy! -nel

    ReplyDelete
  10. WOW! MASARAP NA PUTAHENG PILIPINO. :)


    -JAZIEL

    ReplyDelete
  11. ang sarap nito lalo na kapag maasim at mainit init pa. pati pag may talong. heaven haha :))

    ReplyDelete
  12. Matakaw talaga ang kapatid ko..haha..pero paborito niya talaga ang ulam na ito. Masarap ang ulam na ito kapag maasim at mainit. Mas masarap ito kapag maraming baboy at natural na sampalok pampaasim. Tunay ngang masustansya ito at likhang Pinoy talaga.

    ReplyDelete
  13. Masarap talaga ang sinigang na baboy lalo na kapag katamtaman ang asim nito.

    -Sunshine :))

    ReplyDelete
  14. Uyy masarap tlga to! Ahhh lalo na pag mainit-init ang sabaw :) -Chai ツ

    ReplyDelete
  15. wow! isa rin sa mga paborito ko ang sinigang lalo n pag maasim! sarap! -abby :)

    ReplyDelete