Tuesday, November 23, 2010
So0o0o SUSHI!! :))
Sa paglipas ng panahon, hindi na natin namamalayang tayo’y mga binata’t dalaga na…Marami nang mga mahihirap na pagsubok ang naranasan at mararanasan pa…Mga problemang sumira sa ating mga araw noon ngunit ating nalulunasan sa twina… At higit sa lahat, mga mabibigat na gawaing ating pinag-uukulan ng napakahabang panahon para lamang ito’y ating magampanan. Iyan ay ilan lamang sa mga napagdaanan ko bilang isang mag-aaral.
Lalo na ngayong ako’y nasa kolehiyo na, mas maraming mga pagsubok and aking kinakaharap, mas maraming problema ang kinakailangang bigyang lunas at mas maraming mga gawain ang pag-uukulan ng aking panahon, kaya naman sa mga nagdaang araw, mas hinahanap hanap ko ang isang pagkain na aking paborito na siyang nakapapawi ng lahat ng mga masasamang bagay na ito. Ang Japanese food na sushi ay isang putahe na para sa aking ay nakapagpapaalis ng mga hirap at pagod na aking dinaranas sa araw araw. Bagamat mayroong maraming klase ang nasabing pagkain, lahat ng ito nama’y pasado sa aking panlasa, kaya naman hindi na ako nagdadalawang isip pa sa pamimili kung alin ang aking kakainin.
Ang sushi ay maaaring gawa sa iba’t ibang mga sangkap o palaman, maaring ito’y gawa sa iba’t ibang klase ng mga sariwang isda tulad ng sa Tuna at Salmon, o kaya nama’y ibang mga yamang dagat gaya ng sa alimango(crab sticks), pugita o kaya’y mga hipon. Bukod dito, ang iba ibang klase pa nito ay naglalaman din ng manga, abukado, pipino, iba’t ibang klase ng kabute, at ’egg omelet’ na siyang nagbibigay ng iba ibang lasa sa mga ito. Ang mga nasabing sangkap ay hinihiwa sa katamtamang laki na siyang dahilan sa mas ‘enjoy’ na pagkain dito ng mga tao. Kasama ng mga sangkap/palaman na ito, ay ang malagkit na kanin na siyang bumabalot dito at nagsisilbing ‘kulungan’ ng mga sangkap na bumubuo sa sushi. May mga klase naman ng sushi kung saan ang sangkap na gamit ay nakapatong lamang sa malagkit na kanin. Bukod sa malagkit na kanin, ito’y kinababalutan pa ng tinatawag na ‘nori’, o ang Japanese seaweed na siyang nakadaragdag pa sa tekstura ng sushi. Dahil sa mga nasabing sangkap na taglay ng sushi, ito’y masasabi nating isang napaka sustansyang putahe.
Sa pagkakahain pa lamang nito, ay mabibighani ka na agad sa presentasyon sapagkat marami sa mga sushi ay inihahanda na may mga partikular na klase ng dahon na nagsisilbing dekorasyon nito. Karagdagan pa rito, ay ang mga idinadagdag sa sushi upang ito’y di lamang mas gumanda ang pagkakapresenta, ngunit upang ito’y mas sumarap din, ilan sa mga ito ay ang linga, at ang fish eggs o kilala sa tawag na ‘caviar’. Sa pagkain ng sushi, ang kalimitang ginagamit ng mga tao ay ang chopsticks. Gamit ito, ay isa isa kong sisipitin ang sushi na mas mapapasarap pa kapag ito’y naisawsaw na sa Kikkoman o ang toyo na siyang nagbibigay ng mas matapang na lasa sa sushi tska ko ito isusubo ng buo. At kung paminsan minsan, ay nilalagyan pa ito ng wasabi na siyang nagbibigay ng ‘init’ dahil sa anghang na idinudulot nito. Sa pagkain ko ng sushi na isinawsaw sa Kikkoman at nilagyan ng konting wasabi, mabilis na parang umaakyat ang init na gawa ng anghang ng wasabi at siya ring agad na parang sumisingaw sa aking ulo kasama na ang mga problema at mga pahirap na aking naranas para sa araw na iyon. Dahil dito, ay muli nang sumisigla ang aking pakiramdam na parang walang mga patung patong na takda, o mahahabang mga pagsusulit ang aking dinaanan. Kaya naman, masasabi ko na kaya kong lagpasan ang anumang pagsubok na kakaharapin ko sa hinaharap…basta’t nariyan lamang and SUSHI.(-^_^-)
Cho, Melissa Louise P.
1H3
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hindi pa ako nakakatikim ng Sushi sa talambuhay ko pero mukhang masarap. :) Susubukan ko yan. :D
ReplyDeleteNakakatakam naman yung picture. Haha.
ReplyDeletePicture pa lang nakakatakam na! Lalo na nung nabasa ko yung mga sangkap, at kung paano ito kinakain sa pamamagitan ng pagsawsaw sa toyo,yum! Gusto rin tuloy kumain ng sushi ngayon :D
ReplyDeleteMakabili nga^^
Sana nga lang ay matuto na kong gumamit ng chopsticks :p
Wow, sushi. Di ako mahilig dyan, pero sige mukhang masarap GO. :))
ReplyDeletesarap talaga 'to, super :) california maki
ReplyDeletemasarap yang sushi..isa ito sa mga paborito ko na nagtatanggal ng aking stress.. :) loua
ReplyDeleteang wish ko sa pasko ay sana makatikim ako ng sushi na yan. HAHA -nel
ReplyDeletegrabe diba caviar ung nasa taas ng sushi? pangarap ko kayang makatikim nun kasi sabi ang sarap daw nun e. =)
ReplyDeletesushiii! masarap to promise. lalo na yung california maki :))
ReplyDeleteDati, parang ayaw ko niyan! Pero, once na natikman mo na! Grabe, masarap din pala no? :) -Bella
ReplyDeleteUyy gusto ko.. gusto ko matikman. :)) Ang looser ko, di ko pa kaya natitikman to! :D - Chai ツ
ReplyDeletewow! mukang msarap nga, nkkagutom nmn to. :)
ReplyDeletewow..parang gusto ko kumain ng sushi... :) ang sarap:)
ReplyDelete