Wednesday, November 24, 2010

Child Abuse >:)


ONE DAY OLD

   Gutom na gutom ka na pero hindi sapat pera mo para kumain sa mga restawrant. Saan ka tatakbo? Saan pa kung hindi sa walang kupas na street foods. Fishball, squiballs, kikiam, kwekwek, at kung ano-ano pang pangtawid gutom ang ating matatagpuan sa kalye. Ngunit para sa akin ang pinakamasarap at pinakanakakatakam sa lahat ay ang ONE DAY OLD.

   Alam niyo yung pakiramdam habang kumakain kayo ng fried chicken yung tipong sa sobrang sarap parang gusto niyo na umubos ng isang buong manok ngunit masyadong madami ito? Sa pagkain ng old day old ang lahat ng ito ay maari mong makamit at higat pa. Ano nga ba ang one day old? Ito ay sisiw na kakalabas palang sa itlog ay kinuwa na upang iprito at ibenta. Kinakain ito ng buo pagkat bata pa ang manok malambot pa ang mga buto. Crunchy at malinamnam ang katawan ng sisiw habang ngingunguya mo ito. Karaniwan ay sinasawsaw sa suka upang magkaroon ng dagdag na lasa ang putahe at madalas din makikitang pulutan.

   Ang mga pagkain tulad ng one day old ay natatagpuan sa lansangan kung saan maraming bagay ang maaring maging sanhi ng pagkadumi nito pero hindi naman masama tumikim paminsan ng ganitong klaseng mga putahe basta ba ay alam natin ang hangangan o dami ng ating kakainin. Sabi nga nila kahit anong sobra ay masama. Hinihikayat ko kayo sumubok. Malay niyo magustuhan niyo din. Basta ba mag-ingat lang kayo kung saan bibili. Siguraduhin niyo munang malinis ang pagluto. Lamon na!

- Carlo Angelo C. Magas, 1H3

17 comments:

  1. mukhang masarap 'to. matikman nga. XD -clemmers

    ReplyDelete
  2. naaalala ko tuloy nung pinatikim mo ko neto. first time ko kaya un! :)

    ReplyDelete
  3. yummy, makatikim nga nito :DD -sean

    ReplyDelete
  4. sigurado ka masarap ah? haha. sige try ko sa lacson. =))

    ReplyDelete
  5. Gusto ko makatikim nyan! Dala ka sa school! :))

    ReplyDelete
  6. Ako'y nahahabag sa sisiw na yan, ngunit mukha namang masarap. Penge. HAHAHAHAHAHA. :)

    ReplyDelete
  7. Paborito ko ang manok, kaya tiyak magugustuhan ko yan. :) -cheska

    ReplyDelete
  8. paborito ni cheska ang manok! at ako sisiw ang paborito ko! kya magiging manok ang sisiw ko! pwede na sa panlasa natikman ko na rin yan nung nasa itlog pa.!!! -- edgar!

    ReplyDelete
  9. SARAP NAMAN NETO PRE. TARA KAEN TAYO! - pogi

    ReplyDelete
  10. Hahaha, di pa ako nakakatikim nito ever. At ayoko din tikman, nakakatakot. Hahahaha :) Pero mukha naman atang masarap. Sabe niyo eh.
    - gam

    ReplyDelete
  11. DI PA AKO NAKAKATIKIM NIYAN.. MUKANG MASARAP.. MATIKMAN NGA MINSAN SA MAY LRT =))

    -JAZIEL

    ReplyDelete
  12. ngayon ko lang narinig at nakita tong pagkain na to! mukha namang.... masarp eh :)))) -nel

    ReplyDelete
  13. paborito ko rin to swear, pero pag kinakain ko to tinatanggal ko yung ulo. ang sarap neto lalo na kapag masarap din yung sukang sasawsawan mo. una ko tong natikman sa dumaguete tapos sa mall meron din.lagi akong nabili neto =)

    ReplyDelete
  14. Halaa. One day old? Pak! Gusto kong tikman pero parang ayoko. Hahaha! Kasi yung sisiw nga sa balot, di ako kumakain.. yan pa kaya? Haha! Hmm. Try ko kaya! :D -Chai ツ

    ReplyDelete
  15. Mukhang masarap iyan repa. Hahaha! High blood! HAHAHA! -SESE

    ReplyDelete
  16. ang sarap din nyan dre paborito ko yan. :)

    ReplyDelete