Wednesday, November 24, 2010

Ang sarap kaya try niyo :>

Mga pampaskong kanta sa mga radyo at telebisyon, mga kumukuti-kutitap na ilaw kung saan-saan sa kalsada, malamig na simoy ng hangin at mga pagkaing tuwing pasko lamang matitikman, isa na rito ang aking paboritong pagkaing pampasko, at sigurado naman akong alam niyo din, ang BIBINGKA :D

        Ang bibingka ay gawa sa malagkit na bigas o tinatawag na“ogalapong” at gatas ng buko. Ito ay may iba’t ibang klasipikasyon depende sa tindahan ngunit ang aking pinakapaborito ay ang bibingkang may maraming keso, itlog na pula at itlog hoho. Ito ay niluluto gamit ang isang itsurang palayok na yari sa putik. Ang pagluto dito ay hindi ang typical na pagluluto dahil imbis na nasa ilalaim nangagaling ang init o apoy, sa taas nangagaling ang init na gawa sa bakal na nilalagyan ng uling. Ang karaniwang sangkap ng bibingka ay harina, asukal, gatas ng buko, mantika nutmeg. Ang mga keso, itlog at iba pa ay pandagdag na lamang at depende na lamang sa panlasa ng kakain. Ang paglagay ng asukal o niyog sa ibabaw ay dalawa lamang sa kilalang “toppings” ng bibingka. Isa sa aking mga nakagawian ay ang paglagay ng cheese wiz sa ibabaw nito upang mas mapasarap nito. Haha

       Ang bibingka ay bihirang matikman dahil ito ay pagkaing napapanahon lamang, kaya naman dapat huwag nating palampasin ang pagkakataon upang matikman ito. Dapat din tayong maging mapageksperimento upang mas mapasarap ang pagkain nito. Tulad ko, lagyan niyo cheese wiz. ang sarap kaya try nio =))

Tom Franklin Cruz
1h3

23 comments:

  1. Okay to habang simbang gabi. Haha.

    ReplyDelete
  2. masarap tignan!masarap sa paningin!

    ReplyDelete
  3. masarap talaga ang bibingka lalo na kapag ito'y mainit pa :))

    ReplyDelete
  4. Mmmmm, nakakatakam. :) Gusto ko tuloy humanap ng bibingka sa labas.. :-"

    ReplyDelete
  5. Gusto ko 'to :) Lalo na magchristmas na. :-bd -gam

    ReplyDelete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  7. ang matamis na lasa nito, at ang feeling na puno sa tiyan q. e2 ang habol q sa bibingka. :)) -clemmers

    ReplyDelete
  8. Ramdam ko pasko sayo,ah?Tara. Kaen :)

    ReplyDelete
  9. YUMMY BIBINGKA. excited ka na sa pasko no? panalo yang bibingka na yan. -nel

    ReplyDelete
  10. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  11. hindi ako tlga mahilig sa bibingka, kasi mas gusto ko ang puto bumbong,pero may natikman ako dati sa baclaran na bibingka ang sarap. shocks ang lapit na magpasko tara kain tayo neto hahahahaha

    ReplyDelete
  12. Ang sarap naman!:D
    Gusto ko rin tong kinakain tuwing pasko kasi sa ganung panahon siya pinakamasarap.
    Magpapabili nga ako ^^

    _Tricia^^

    ReplyDelete
  13. ramdam ko na ang pasko :'> masarap ito lalo na pag mainit pa! :)

    ReplyDelete
  14. mukang masarap yan. paborito ko din yan lalo na pag pasko :D - jonas

    ReplyDelete
  15. Hahaha! Makabili nga tas lagyan ko rin ng cheese wiz! "Ang sarap kaya, try mo!" Winner! -Chai ツ

    ReplyDelete
  16. nako masarap nga ito...lalo na ngayo't nalalapit na ang pasko! :) magsikain ng bibingka! :D

    ReplyDelete
  17. masarap to!! gusto ko din to eh!:)) lalo na kapag mainit pa. --ystel

    ReplyDelete
  18. ang cute :)) bibingka!! masarap yan na may kasamang salabat accrding to my mom :))LOL -iana

    ReplyDelete
  19. di pa ako nakakakain ng bibingka. amp. hahaha. matry nga. =))
    -jhulie

    ReplyDelete
  20. Ba't wala pang ganyan samin? :( haha. saraap.

    ReplyDelete