Saturday, November 27, 2010

Blue o Blue ni Marlon John Eugenio

Chicken Cordon Bleu 


     Madalas makita ang pagkaing ito sa bawat handaan. Morkon, Chicken roll o kung ano pa mang pagkakakilanlan, ang Chicken Cordon Bleu ang isa sa pinakakilalang pagkain sa isang handaan.

    Bakit nga ba "Chicken Cordon Bleu" ang itinawag dito? Balikan natin ang kasaysayan nito.

    Mula sa Pransya ang salitang "bleu" na nangangahulugang asul. Noong panahon ni Haring Henry III na noon ay nakaupong hari, ginawa niya ang isang panukala na pinamagatang “L’Ordre du Saint Esprit” na pagbibigay ng pagkilala sa mahahalagang pangyayari, tao o bagay sa bansa. Ito ay isang medalyang krus na sa gitna ay may kalapati na  naglalarawan sa Espiritu Santo. "Cordon" na nangangahulugang kuwintas, at "Bleu" na nangangahulugang asul. Sa dulo ng asul na kuwintas naroon ang medalyang ito.

     Ang "Chicken Cordon Bleu" ay isa sa pagkain na ipinagmamalaki ng mga Pranses mula pa noong una. Bahagi ito ng kaugaliang Pranses na inampon ng mga Pilipino.

     Ang pagkaing ito ay isa sa mga pagkaing hindi mawawala sa isang handaan. Ito rin naman ang siyang naisip kong ilagay upang malaman natin kung bakit ito ang itinawag dito. Kaya't sa tuwing makikita ninyo ito, maaalala ninyo ang aking simple ngunit makabuluhang blog.

6 comments:

  1. nakatikim na ko nyan. HAHA! super sarap :bd -nel

    ReplyDelete
  2. Naalala ko pag kumakain tayo niyan! Masarap iyan lalo na kapag may sauce :) -Belle

    ReplyDelete
  3. Ayyy saraaap nyan sa Mang Toootz! - Chai

    ReplyDelete
  4. natikman ko naman yung sa greenbox. masarap talaga!:)
    -jhulie

    ReplyDelete
  5. My sister is so damn in love with this! She reminds me of this big time!

    Awesome!

    The photo is appetizing and the weaving of words is creative. Good job dear.

    ReplyDelete
  6. wow sarap. kaya pla ganun ang twag dun. ngayun alam ko na. :)) nagmula pa pla sa pranses. kung kayat npa ka sarap at creative itong pgkain. Ang galing tlga ng mga pinoy.mapa european kyang kya nla gawin dn. :))

    - altair 1h4

    ReplyDelete