Sunday, November 28, 2010

Oh My Siomai!!



            Marami-raming siomai narin ang nakakain ko sa tanang buhay ko. Ang siomai na siguro ang matatawag kong aking comfort food. Sa aking paglalakbay sa mundo ng mga pagkain, na aking talagang kinahihiligan, ang siomai na siguro ang pagkaing hindi ko pagsasawaang hanap-hanapin. Napakaraming pagkain na ang aking natikman na talaga namang mas masarap ng di hamak sa siomai. Pero para sa akin, wala pa ring tatalo sa dulot na saya na aking nararamdaman sa tuwing nakakakain ako ng siomai.
Ang siomai ay matagal ng pagkain ng iba’t ibang lahi na nanggaling pa sa China. Ang karaniwang sangkap ng siomai ay giniling na baboy, hipon, singkamas, carrots, sibuyas, itlog, mantika, asin at siomai wrapper. Para sa sawsawan naman ay toyo at calamansi na pwede ring dagdagan ng sili kung gusto mo ng maanghang. Wala naman masyadong magandang dulot sa kalusugan ang siomai, pero sa sarap nito, hindi ko na magawang magreklamo na sana ay healthy nga ito.
Napakaraming klase ng siomai ang ibinibenta sa buong Pilipinas, hinding hindi kayo mahihirapang bumili at maghanap ng paborito kong siomai. Nung hayskul pa lamang ako, natikman ko na ang pinakamalaking siomai na nakita ko sa tanang buhay ko. Kasing laki ng palad ko yung siomai at mura lang ito, 7 pesos lang. Meron na rin akong natikmang siomai na maliit pero 20 pesos ang halaga. Nagkakaiba-iba man ang siomai sa lasa, laki at itsura, siguradong kahit ano pa man ito’y magugustuhan ninyo.  Ang sarap at busog na dulot nito sa inyo ay siguradong hinding-hindi niyo malilimutan. Kaya sa susunod na pagkain niyo nito ay sigurado akong kayo rin ay mapapa- Oh My Siomai!! ;))

--Natalie Kristine Jaramilla 

13 comments:

  1. Siomai! Siomai! Siomai! Mabuti at may nagpost ng tungkol sa paborito kong pagkain - ang siomai!

    Saan ba ako makakakita ng siomai na katulad ng sinasabi mong kasinglaki ng palad mo? Gusto ko makaranas kumain nun! Tama ka,ibang saya ang naidudulot ng pagkaing ito sa akin. Heaven kumbaga! Solve na ako basta siomai ang inihain sa akin.

    Apir tayo! :)

    ReplyDelete
  2. masarap talaga ang siomai kahit steamed or fried though mas gusto ko yung steamed:) Sana matikman ko rin yung pinakamalaking siomai na nabanggit mo.

    ReplyDelete
  3. Masarap nga talaga ang siomai! Lalo na kung ang sawsawan mo ay toyomansi at may chili paste! Meron pa lang siomai na kasing laki ng palad? Saan ito nabibili? Gusto ko rin makatikim :D

    _Tricia^^

    ReplyDelete
  4. HI SEATMATE! SARAP NAMAN NETO. SIOMAI HOUSE TAYO HAHA

    ReplyDelete
  5. Tulad ng nasabi ng iba, ang siomai talaga ay napakasarap at hindi nakakasawang kainin. Kung tutuusin sa buong araw ko nung ako'y nagkolehiyo na ay walang araw na hindi ako kumain ng siomai. Dahil kahit saang kalye ay may makikita kang nagtitinda ng ganito. Lalo itong sasarap kung sasabayan mo pa ng rice at gulaman. Mapapa-"Oh My Siomai" ka talaga sa sarap at lubos na ligaya ang iyong mararamdaman dahil nakatipid ka na busog ka pa at may pang-dota ka pa.

    ReplyDelete
  6. wow ang sarap sarap naman ng siomai..meron din pa lang kasing laki ng palad! pero mas masarap yan pag libre ni nat :)

    ReplyDelete
  7. Parang alam ko kung saan nabibili yung malaking siomai na yun na tig-7 pesos! Parati rin akong nagcra-crave sa SIOMAI lalo na yung may chili pa! yummmyyy! tara kain tayo siomai!!! :D :D :D

    ReplyDelete
  8. Masarap nga iyan! Lalo na ung sa siomai house. :) -cheska

    ReplyDelete
  9. Ang sikreto sa masarap na siomai ay ang paglalagay ng kaunting taba sa loob ng karne habang binibilog ito bago ilagay sa "molo wrapper". Tunay na nakakawala ng stress ang pagkain na ito, lalo na kapag nagmamadali!

    ReplyDelete
  10. siomai nga naman... sa liit ng pagkain na yon, laking saya ang dulot sa puso't tyan ko. kahit mapagastos pa ako na parang kumain na rin ng isang meal sa jabee o mcdo, ayos lang. :) SIOMAI PADIN AKO! favorite ko nga yung siomai na toyomansi ang sawsawan, pwede ring may sunog na bawang. hmmm. sarap. libre mo ako ng siomai ha? gusto ko yung malaki na sinasabi mo. parang busog-sarap yun ah.

    SIOMAI-ONGPIN!:D

    ReplyDelete
  11. Sarap naman neto Natalie. :-bd
    - ELO

    ReplyDelete