Thursday, November 25, 2010

See! Sig :)


Paboritong pagkain? Kaya kayo tumataba eh. Ako pala! Masyado kasing marami 'yung paborito kong pagkain eh. Pero wala ako maalalang kahit anong magandang memoryang nakabalot dito.

SISIG! OO 'yun kasi 'yung paborito ko eh! :)
Ewan ko ah? Pero kasi nagiisa lang yung sisig ni Carlo's sakin.
Tipikal na sisig lamang ito na may isang kilong baboy, may atay na mejo iba na ang kulay, pamintang dinurog durog, suka na hindi alam kung saang tubong kinuha, may konting pampaanghang para madama lalo ang kasarapan nito, at ang itlog na nagbibigay buhay sa putahe. At para pandagdag lasa, linalagyan din ito ng toyo. Hindi ko alam kung ano dulot nito sa katawan niyo, pero kasi sakin, HEAVEN. Hahaha. 'yun lang masasabi ko.
Noong bakasyon nga, halos madalas kong matikman 'to, pero ni minsan hindi naman ito nagdulot ng kasamaan sa kahit anonglamang loob ko. Maalat alat pa ito. Sakit sa bato! Hay, tsk. Tas baboy pa. Sakit sa puso, huhu! Pero alam mo un, makakalimutan mo talaga to pag natikman mo.
Higit sa lahat ay paborito ko ito dahil ang nagpakilala nito sakin ay ang mga taong tunay na minamahal ko :) Sige na nga, kahit backstabbers kayo. Kayo na talaga. Enjoy 'to lalo na nung all girls kami. Hello! Graduation ata nang c.a.t 'to. Eto lang naman 'yung pinagsaluhan namin! Biglang sugod lang kami nun sa Centro Street.
Masyado akong maraming memoryang ibabaon dahil sa pagkaing ito. Natuwa ako masyado eh. Lalo na pag may kasamang backstabban habang kinakain to. Para ngang dun na nabubuhos lahat ng sama nang loob namin sa mga tao. Naalala ko nga nung una kong natikman ito, napadaan lamang talaga kami sa eskinitang yon. Nasabi nang mga kaklase ko na da bez daw ang sisig dun. Noong una ay hindi naman talaga kami naniwala dahil alam namin isang malaking kalokohan 'yun. Hindi naman kasi talaga masarap! Ha! Hanggang sumunod sunod na 'yung mga araw na dinadayo na namin ito. Palaki na nang palaki ang populasyon nang mga taong pumupunta dito. Aminin niyo na kasi, heaven naman talaga! Oh sige, samahan pa nung iced tea. Chaka nang...? :)
Sa sobrang pagkaheaven nito, pinatikim ko na din 'to sa ibang h3. Ha! Wala lang. Natatawa lang ako sa mga taong hindi makaappreciate nito. Samantalagang ako, abot langit ang ngiti pag kumakain. Gamel Padasas, sige na. Kahit ngayon lang, kampihan mo na ko! :)

Marahil nga madami akong makakaparehas na ganito din 'yung paborito nila. Hindi ko naman sila masisi dahil kasarap nga naman talaga nang putaheng ito. Magsasalo salo nalang kami, at sa pagdating na araw lalagyan na namin ito nang icing. Para may desenyo. Sa sobrang dami na nang bersyon nang sisig na natikman ko, lahat naman 'yun nasarapan ako. Wala nang hahanapin pa ;)



Karla cristina g. turo
1h3

28 comments:

  1. aba karla parehas tayo ng gusto :)) sobrang sarap talaga ng sisig noh :))
    -Lexine

    ReplyDelete
  2. "Sa sobrang dami na nang bersyon nang sisig na natikman ko, lahat naman 'yun nasarapan ako."

    AKO DIN! :))

    ReplyDelete
  3. Hahahaha, oo na heaven na. Totoo, masarap ang sisig ni Carlo. try niyo kasi, lalo na pag may toyo. Promise.

    Karla, bat ganito blog mo, hahahahahaha.
    -gameel

    ReplyDelete
  4. sizzling with egg on top.♥ siyet, ang sarap. =))

    ReplyDelete
  5. sarap naman neto, tara san ba yang sisig na yan?

    dr memories :-" :) :| -pogi

    ReplyDelete
  6. Heaven nga ang sisig! Masarap din ung sa Almers!

    ReplyDelete
  7. Naalala ko ang heaven na sisig mo Friend. Ayus 'to! :-bd
    - Elo

    ReplyDelete
  8. WOW! MUKANG MASARAP ANG SISIG NA YAN. NAIS KONG MATIKMAN ANG SISIG NA IYONG SINASABI. :)

    -JAZIEL :]

    ReplyDelete
  9. masarap nga ang sisig at heaven ang lasa.lalo pa itong masarap kapag bagong luto at mapapakain ka talaga.. :) loua

    ReplyDelete
  10. Masarap lalo na kapag maanghang. Hot :)))) Okay ito :)))

    ReplyDelete
  11. Hindi ako mahilig sa sisig, pero nung nabasa ko ito natakam ako. YUMMY! -nel :)

    ReplyDelete
  12. hahaha... masarap nga yan lalo na kapag sizzling pa. :))

    ReplyDelete
  13. kolesterol, haha. masarp nman :)) busog pa :D

    ReplyDelete
  14. sisig? aw di ako kumakain nyan. pero dahil nabasa ko to. baka tumikim na ko. lalo na yung sizzling. :)tikim lang. hehe. basta pagkain, go lang ng go. :)

    ReplyDelete
  15. natikman ko na to isambeses akala ko pa nung una ung itlog sa taas e cheese. haha amp. pero heaven nga b tlga dahil sa sisig o dahil sa..? haha jk lng, pero masarap nga tlga ito.;)

    -reena S.

    ReplyDelete
  16. perfect partner ang sisig! que beer man yan o kanin! nde yan nang-iiwan. :)) -clemmers

    ReplyDelete
  17. Ang gusto ko rin to!
    Tama ka, napakasarap talaga ng sisig :D

    _Tricia^^

    ReplyDelete
  18. Tama ka masarap nga ito, lalo na't maraming varayi ang putaheng ito, mas magiging masarap ang pagkain dahil tiyak ngang hindi mo ito mapagsasawaan. :)
    -melissa cho

    ReplyDelete
  19. Hindi pa ko nakakakain ng sisig, pero base narin siguro sa mga nakikita kong kumakain nito, masarap naman ang putahe.

    ReplyDelete
  20. Wow, sisig :) Masarap yan ngunit medyo ma-oily pero okay lang. Haha. -B

    ReplyDelete
  21. Masarap 'yang sisig! Lasang aso! Mapapa-tahol ka sa sarap!

    ReplyDelete
  22. wow! sumasang-ayon ako sa iyo,., talagang napakasarap ng sisig,., tamang tama sa kahit anong okasyon :)

    ReplyDelete
  23. Haaay. Naalala ko nung una mong pinakilala ang Sisig ni Carlo's. Tsk. Daming memories! HAHAHAA! HEAVEEEEN NGA :""> SAMAHAN MO PA NG ISANG BOTENG --- HAHAHAAH! -Chai ツ Tara, DR? :)))

    ReplyDelete
  24. gusto kong ma SEE at matikman ang sisig na yan.. :)))--kath:))

    ReplyDelete
  25. Filipino foods are really delicious! just like sisig :9

    ReplyDelete