Monday, November 22, 2010

OYAKODON!



Oyakodon ng Teriyaki Boy



      Ang  pagkain ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng bawat tao. Ang aking pinakapaborito sa lahat ay ang Oyakodon ng Teriyaki Boy. Isa itong uri ng putahe ng mga hapon. Ang presentasyon nito ay nakakaengganyo sa mga kakain nito dahil nakakaakit ang pagkakaayos sa putahe. Mas lalo ko itong nagugustuhan kapag may kasamang side dish na toge at sinamahan pa ng red iced tea.



     Ang oyakodon ay binubuo ng manok, itlog, at konting gulay na nakapaibabaw sa kanin. Ito ay higit na masarap kapag ito ay bagong luto. Kahit na ito ay medyo may kamahalan, siguradong ito ay sulit na sulit dahil sa tamang lasa at sustansyang mayroon ito. Ang itlog na nasa Oyakodon ay may protina, bitamina A, riboflavin o bitamina B, iron, calcium, phosporus at potassium. Simpleng putahe lang ang Oyakodon at madali rin itong lutuin, kaya pwede itong gayahin ng mga tao sa kanilang mga bahay.



     Masasabi ko na ang Oyakodon ng Teriyaki Boy na ang aking pinaka paborito kong putahe dahil hinahanap hanap ko ito sa restawran at hindi ako napapabili ng iba pa. Ito din ang naging dahilan upang mas tangkilikin ko ang “Japanese” na pagkain kaysa sa mga “Chinese” na putahe.



PILARES, FRANCESCA LOUISE R.
1H3





19 comments:

  1. Wow! Mukhang masarap nga iyan! Sige, susubukan ko rin!

    ReplyDelete
  2. paborito ko rin yan. ayoko ng japanese pero nagustuhan ko talaga yan!

    ReplyDelete
  3. WOOOOW! NAKAKAGUTOM! GUSTO KO DIN MATIKMAN YAN! :)

    ReplyDelete
  4. yan ang oorderin ko pagpunta ko sa TBoy :)

    ReplyDelete
  5. yumyum! mukhang masarap! :) hindi pa ako nakakakain sa terikayi boy kaya naman pag kumain ako roon, titikman ko yan! :)
    -regina

    ReplyDelete
  6. ansarap tignan nito..nakakatakam naman alam ko na ngayon ang sikreto mong taglay!hahaha

    ReplyDelete
  7. Wow katakam-takam! Nagugutom tuloy ako..

    ReplyDelete
  8. Nakakagutom naman!! Enebeyen!:)))

    ReplyDelete
  9. Hindi ko pa ito natitikman pero susubukan ko ito pag nagpunta ako sa Teriyaki boy. :)

    ReplyDelete
  10. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  11. Mukha ngang masarap ang pagkain na yan. Mas masarap kumain niyan kapag kasama ang mga kaibigan. :) loua

    ReplyDelete
  12. hindi ko alam yang putaheng iyan pero mukha siyang masarap. -nel

    ReplyDelete
  13. nakakagutom naman talaga to cheska, parang gusto ko tuloy pumunta sa mall at kumain neto, kaso may kamahalan nga ito. pero matikman nga!:))

    ReplyDelete
  14. mukang masarap yan at tiyak na titikman ko yan pag punta ko sa teriyaki boy - jonas

    ReplyDelete
  15. Mukang masarap ah! Libre mo ko, Cheska :))) HAHAHA! - Chai ツ

    ReplyDelete
  16. sadyang masasarap ang mga pagkain ng teriyaki boy. sana magkaroon sila ng branch na may pangalang teryaki girl... :)))

    ReplyDelete
  17. Hindi pa ko nakakatikim nito pero dahil sa blog mo parang gusto ko tuloy kumain nito! :D

    _Tricia^^

    ReplyDelete
  18. wow.. mukang napakasarap nga nyan ahh..:))

    ReplyDelete
  19. hmm.. mukang masarap nga yan aa.. di ko pa yan natitikman.. mukang okay nga ito..:))

    ReplyDelete