Saturday, November 27, 2010

SATTI DE ZAMBOANGA ;)


Una kong natikaman ang Satti nung ako'y nasa elementaryo pa. Nung una ay takot na takot akong tikman ito dahil alam kong ito ay napakaanghang at baka hindi ko makaya. Pero sabi ng aking mga kaibigan ay dapat ko daw ito matikman dahil ito ay napakasarap. Tama sila. Nahulog ako. Kahit ito ay maanghang, hindi ko papigilan kumain ng kumain dahil sa sarap nito. Kahit ako ay naiiyak na at nagkakasipon na, kain pa rin ako ng kain.

Ang Satti ay kanin na niluto sa puso ng saging na binuhusan ng pulang manamisnamis na maanghang na sauce na may maliliit na karne na nasa stick na parang maliliit na barbeque. Pwede rin ito ipartner ng inihaw na atay, chicken barbeque, isaw at iba pa. Paboritong almusal ito ng mga taga Zamboanga. Galing ito sa mga kapatid nating mga Muslim na mahilig sa maanghang. :)

Paborito namin ito ng aking mga kaibigan. Lagi kami kumakain nito, dati, kapag pumupunta kami sa paaralan dahil may kainan ng Satti doon sa tabi. Para dito, tinatalikuran namin ang mga restaurant at mga fast food chain. PROMISE! Masarap talaga ito at murang mura pa! diba ang saya? :DD Lagi ko itong hinahanp hanap hanggang ngayon. Kung gusto niyo ito matikman, siguro meron ito sa mga Malaysian restaurant . Try niyo!

JANINA L. OBIAS
1H3

15 comments:

  1. Wow naman. Haha! Mukhang masarap. Kaso hindi ko matitikman yan :l haha. Ang layo eh :p
    -SESE

    ReplyDelete
  2. Uyy parang gusto ko tikman ah! Kakaiba :) Haha! Parang katulad ba to ng mga streetfoods dito sa Maynila? :)) Dalhan mo kmi nyan pag umuwi ka let ng Zamboanga! :D -Chai

    ReplyDelete
  3. nice janina parang sarap. amp. pag pumunta kame uli sa bahay niyo pagluto mo kame neto.hahaha! sabhin mo sa lolo mo.:))))))))))

    ReplyDelete
  4. Mukha ngang masarap! Gusto ko tuloy makatikim nyan kasi hind pa ko nakakakain nyan :D

    _Tricia^^

    ReplyDelete
  5. Hindi siya mukhang maanghang sa unang tingin :bd

    -Rosa :)

    ReplyDelete
  6. HAHAHA dadalhan ko kayo pag umuwi akong Z.C! :) Reena, di ako marunong magluto niyan. hahaha -JANINA

    ReplyDelete
  7. wow parang gs2 ko itong matikman! :)mahilig din ako sa mga maaanghang na putahe.. :)

    ReplyDelete
  8. hindi ako gaanong mahilig sa maanghang pero gusto ko yang matikman..;))

    ReplyDelete
  9. MASARAP YAN. SIGURADONG SIGURADO. WALANG DUDA AT WALANG BAHID NG PAGSISISI! *two thumbs up!* ^____^

    -Cess

    ReplyDelete
  10. WOW! GUSTO KO MATIKMAN YAN. MUKANG MASARAP :]

    -JAZIEL

    ReplyDelete
  11. ninay, pasalubungan mo kami nyan! mukhang yummy. ang colorful ng post mo ah! :)))) -nel

    ReplyDelete
  12. sabi ko na kay janina to eh!zamboanga eh!! proud to be one!!haha muka siyang inihaw na nilagay sa ibabaw ng curry!!pwede na..mukang masarap naman eh.. --edgar!

    ReplyDelete
  13. Nagutom ako bigla nung nakita ko yung picture. Okay to. :-bd
    - Elo

    ReplyDelete
  14. PUNTA TAYO ZAMBOANGA! SAMA SI SESE PARA MATIKMAN NATIN TO MUKHANG MASRAP EH! -POGI

    ReplyDelete
  15. we are inviting you to try vieva satti haus, serving authentic zamboanga's satti in the metro. located @ #9bma ave cor kitanlad tatalon qc. near e rod QI at the back of old NFA bldg. tel no 4732591. hope to see you at vieva satti haus

    ReplyDelete