Sunday, November 28, 2010

Oh My Siomai!!



            Marami-raming siomai narin ang nakakain ko sa tanang buhay ko. Ang siomai na siguro ang matatawag kong aking comfort food. Sa aking paglalakbay sa mundo ng mga pagkain, na aking talagang kinahihiligan, ang siomai na siguro ang pagkaing hindi ko pagsasawaang hanap-hanapin. Napakaraming pagkain na ang aking natikman na talaga namang mas masarap ng di hamak sa siomai. Pero para sa akin, wala pa ring tatalo sa dulot na saya na aking nararamdaman sa tuwing nakakakain ako ng siomai.
Ang siomai ay matagal ng pagkain ng iba’t ibang lahi na nanggaling pa sa China. Ang karaniwang sangkap ng siomai ay giniling na baboy, hipon, singkamas, carrots, sibuyas, itlog, mantika, asin at siomai wrapper. Para sa sawsawan naman ay toyo at calamansi na pwede ring dagdagan ng sili kung gusto mo ng maanghang. Wala naman masyadong magandang dulot sa kalusugan ang siomai, pero sa sarap nito, hindi ko na magawang magreklamo na sana ay healthy nga ito.
Napakaraming klase ng siomai ang ibinibenta sa buong Pilipinas, hinding hindi kayo mahihirapang bumili at maghanap ng paborito kong siomai. Nung hayskul pa lamang ako, natikman ko na ang pinakamalaking siomai na nakita ko sa tanang buhay ko. Kasing laki ng palad ko yung siomai at mura lang ito, 7 pesos lang. Meron na rin akong natikmang siomai na maliit pero 20 pesos ang halaga. Nagkakaiba-iba man ang siomai sa lasa, laki at itsura, siguradong kahit ano pa man ito’y magugustuhan ninyo.  Ang sarap at busog na dulot nito sa inyo ay siguradong hinding-hindi niyo malilimutan. Kaya sa susunod na pagkain niyo nito ay sigurado akong kayo rin ay mapapa- Oh My Siomai!! ;))

--Natalie Kristine Jaramilla 

Saturday, November 27, 2010

Tinola de mama




 Tinolang manok sikreto ng mga patok, tinolang manok mas masarap kung nasa palayok


Una sa lahat may sikreto akong ibubunyag alam nyo bang ang huling kinain na ulam ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal ay tinola, at eto ang pangalawa, alam nyo bang bago ang laban ng ating pambasang kamao na si Manny Pacquiao ay mainit na tinola ang kinakain nya dahil ito daw ay nag papalakas sa kanya dahil sa mga sangkap nito tulad ng manok,sayote at dahon ng sili.

Eto ang napili ko kasi napaka sarap nito at masustansya, at napaka daling mahanap sa market ang mga sankap nito. At madalas itong nakahain sa mga kalindirya at masarap ito kung may sawsawan na patis

Ang tinola pala ay naimbeto ng taong 1800, sobrang tagal na pero hangang ngayon ay buhay parin, wala atang nanay o lola na hindi alam mag luto ng tinola kasi kahit tatay at lolo alam itong lutuin. at kung mapapansin nyo ang tinola ay madalas gamitin sa mga commercial sa tv ng mga pang pasarap sa pagkain tulad ng knorr cubes, magic sarap, real sarap at iba pa.

Ay nako kung pwede lang tinola ang ulam ko araw-araw, kaso hindi pwede eh.

                    
                                                                        - John Clinton Orbe                         
                                                                          1H3

                                                                                                           

KARE-KARE NG AKING LOLA :)


KARE-KARE! pagkaing patok sa panlasang Pinoy.
 
          Noong bata ako mayroong isang putahe ang di nawawala sa bawat okasyon sa bahay ng lola ko, kahit na kaarawan ng isa sa aking mga kamganak, pasko, bagong taon o ang simpleng pagkakaroon ng trabaho ng isa sa amin. Noong una ay inayawan ko to dahil sa mga sangkap nito. Sinabi sa akin ng lola ko na gawa ito sa laman loob, kaya noong una ako'y nag-alinlangan kainin ito. Subalit ng makita ko ang mga pinsan ko na sarap na sarap rito, ako'y nainggit at aking tinikman ito. Nang ito'y aking matikman di ko na napigilan ang aking sarili. Ito'y napakasarap at napakalinamnam.
          
          Ang handaan sa bahay ni lola luisa ay hindi kumpleto kung wala ang napakasarap niyang kare-kare! Paborito ito  ng lahat mula sa kanyang mga anak hanggang sa aming mga apo nya  at pati na rin sa mga kaibigan ng aming pamilya. Ang pamosong kare-kare ni lola ay gawa  sa mga natural na sangkap tulad ng giniling na mani at bigas, ito rin ay napakasustansya dahil sa iba't ibang gulay tulad ng puso ng saging, talong, sitaw at pechay at ang malinanamnam na karne lalo na ang buntot at tuwalya. Higit pa itong pinasarap ng aming espesyal na bagoong.
          
           Yan ang kare-kare. Kung ito'y di nyo pa natitikman ako na ang nagsasabi sainyo di kayo isang tunay na Pinoy kung di nyo pa ito natiktikman. Try nyo masarap kaya!

-Sean Tracy G. Ang
1H3










          Ito ang aking paboritong pagkain. Pag ito ang nakahain sa hapag kainan tuwing miryenda ay parang wala ng tayuan ang aking pag upo para kumain.Hindi ba't ang sarap tikman ang kesong unti-unting nalulusaw sa lasagna ang patong patong na malalambot na pasta. Ang mga ground beef, tomato at mozzarella cheese, na lalo nagpapabango at nag papasarap dito. 




        Siguro naman ay nakatikim na kayo ng lasagna ito ay gawa sa ground beef, mozarella, lasagna pasta, kamatis, tomato sauce, parmesan cheese, itlog ,sibuyas, at sausage. Pwede kang gumamit ng iba't ibang pasta ayon sa iyong kagustuhan. Noong highschool ako hindi lang mcdo ang canteen naming barkada pag kami ay kumakain sa labas. Pati na din ang greenwhich paboritong paborito ko ang lasagna ng greenwhich dahil sa amoy at lasa nito.





        Sa tuwing kakain ako ng lasagna ay hindi pwedeng mawalan ng garlic bread na isa din sa aking pabortiong pagkain. Ang sarap balik balikan ang mga alaalang iniwan ng pizza at lasagna sa aming barkada. Hindi lang ito masarap, nag iwan din ito ng mabubuting alaala na siguradong hinding hindi makakalimutan ng barkada.

Kaya tikman na ang lasagna uhlala.

-christian dela cruz-

Loming Batangueño


 Una kong natikman ang Lomi noong ako'y high school, noong una ay ayaw ko itong kainin, hindi kasi ako noon mahilig sa pancit. Pinilit lang ako ng mga kabarkada ko. Doon ko nalaman na masarap pala ang pancit lalo na ang Lomi. Marahil noong una ay pilit ang pagkain ko, ngunit sa mga sumunod ay nakakadalawa pa ako. Sa pagkain ko nito, para bang nawawala ang pagod sa aking isipan, kasabay ng pagkawala ng gutom sa aking tiyan. :)

  Ang lomi ay isang klase ng pancit, pancit lomi ang ginagamit dito. Ito ay may lahok na karne ng baboy o karne ng baka, itlog, kikiam, nilalagyan din ito ng chicharon. ngunit ang nagpapasarap dito ay napakaraming sibuyas na inilalagay dito. Isa ito sa mga pinagmamalaking pagkain ng Batangas. Sabi nga nila, "Hindi ka pumunta ng Batangas kapag hindi mo natikman ang Lomi doon".

  Tandang-tanda ko pa noong hish school, hindi lalampas ang isang linggo na hindi kakain ang barkada ng Lomi. Inaakyat pa namin noon ang isang bundok para lang kumain ng isang order ng Lomi. Kahit matagal ang paglalakbay, ayos lang sa amin kasi " Worth It" naman kapag kumakain na kami. Kaya kapag pupunta ka ng Batangas. huwag kakalimutang kumain ng Lomi. Dahil sinisigurado ko hindi makukumpleto ang Batangas Trip mo kapag walang kasamang Loming Batangueño. :)

- Dion Bastien F. Magahis
-1H3
                                                                                         

HOT CHOCOLATE RICE PORRIDGE ♥

OO, sa tagalog CHAMPORADOiningles ko lang para lalong sumarap sa panlasa niyo.  

   Isa sa mga paborito kong almusal at meryenda. Simula nong bata pa lang ako, hilig ko na talaga ang champorado. Kaya hanggang ngayon niyaya ko ang mga kaibigan ko sa Cafeteria ng school namin kapag may champorado sa kanilang menu, diba EEW? :))

   Champorado - bumili ka lang ng malagkit na bigas at cocoa jan malapit sa inyo. Pakuluan nyo lang sa mainit na tubig, haluin, timplahan at presto!  May mga iba na sinasabayan pa ito ng pritong tuyo, sabi kasi nila mas masarap daw ito dahil daw binabalanse ng matamis na champorado ang alat ng tuyo. Para sa akin (at sa karamihan din) naman ay gatas ang inihahalo ko dito, condensed man o evaporated. Mas malinamnam kasi at masustansya pa. Masarap din itong kainin pag tag-ulan, nagbibigay kasi ito ng init sa sa panahong malamig. Pero minsan nilalagay ko ito sa ref at pinapalamig saka ko kakainin, iba kasi trip ko eh :))) May friend nga ako na cheesy bits ang hinahalo nya sa champorado eh. kanya-kanyang trip talaga yan, eh ikaw anong kwentong champorado mo? 

   Kaya kung member ka man ng SMP (Samahan ng Magganda at Pogi)  ngayong darating na pasko, ito ay isang pagkain na nababagay sa`yo . Kasi nga bagay ito sa mga panahong malamig diba? Pampaineeet :>  Nirorokomenda ko rin ito sa lahat, bata man o matanda magugustuhan niyo itong Hot Chocolate Rice Porridge na ito. Kaya hala sige! magpaluto ka na, now na. G O ;)

- Janelle Aerish Y. Hernandez
1H3

   

Blue o Blue ni Marlon John Eugenio

Chicken Cordon Bleu 


     Madalas makita ang pagkaing ito sa bawat handaan. Morkon, Chicken roll o kung ano pa mang pagkakakilanlan, ang Chicken Cordon Bleu ang isa sa pinakakilalang pagkain sa isang handaan.

    Bakit nga ba "Chicken Cordon Bleu" ang itinawag dito? Balikan natin ang kasaysayan nito.

    Mula sa Pransya ang salitang "bleu" na nangangahulugang asul. Noong panahon ni Haring Henry III na noon ay nakaupong hari, ginawa niya ang isang panukala na pinamagatang “L’Ordre du Saint Esprit” na pagbibigay ng pagkilala sa mahahalagang pangyayari, tao o bagay sa bansa. Ito ay isang medalyang krus na sa gitna ay may kalapati na  naglalarawan sa Espiritu Santo. "Cordon" na nangangahulugang kuwintas, at "Bleu" na nangangahulugang asul. Sa dulo ng asul na kuwintas naroon ang medalyang ito.

     Ang "Chicken Cordon Bleu" ay isa sa pagkain na ipinagmamalaki ng mga Pranses mula pa noong una. Bahagi ito ng kaugaliang Pranses na inampon ng mga Pilipino.

     Ang pagkaing ito ay isa sa mga pagkaing hindi mawawala sa isang handaan. Ito rin naman ang siyang naisip kong ilagay upang malaman natin kung bakit ito ang itinawag dito. Kaya't sa tuwing makikita ninyo ito, maaalala ninyo ang aking simple ngunit makabuluhang blog.