Sunday, November 28, 2010

Oh My Siomai!!



            Marami-raming siomai narin ang nakakain ko sa tanang buhay ko. Ang siomai na siguro ang matatawag kong aking comfort food. Sa aking paglalakbay sa mundo ng mga pagkain, na aking talagang kinahihiligan, ang siomai na siguro ang pagkaing hindi ko pagsasawaang hanap-hanapin. Napakaraming pagkain na ang aking natikman na talaga namang mas masarap ng di hamak sa siomai. Pero para sa akin, wala pa ring tatalo sa dulot na saya na aking nararamdaman sa tuwing nakakakain ako ng siomai.
Ang siomai ay matagal ng pagkain ng iba’t ibang lahi na nanggaling pa sa China. Ang karaniwang sangkap ng siomai ay giniling na baboy, hipon, singkamas, carrots, sibuyas, itlog, mantika, asin at siomai wrapper. Para sa sawsawan naman ay toyo at calamansi na pwede ring dagdagan ng sili kung gusto mo ng maanghang. Wala naman masyadong magandang dulot sa kalusugan ang siomai, pero sa sarap nito, hindi ko na magawang magreklamo na sana ay healthy nga ito.
Napakaraming klase ng siomai ang ibinibenta sa buong Pilipinas, hinding hindi kayo mahihirapang bumili at maghanap ng paborito kong siomai. Nung hayskul pa lamang ako, natikman ko na ang pinakamalaking siomai na nakita ko sa tanang buhay ko. Kasing laki ng palad ko yung siomai at mura lang ito, 7 pesos lang. Meron na rin akong natikmang siomai na maliit pero 20 pesos ang halaga. Nagkakaiba-iba man ang siomai sa lasa, laki at itsura, siguradong kahit ano pa man ito’y magugustuhan ninyo.  Ang sarap at busog na dulot nito sa inyo ay siguradong hinding-hindi niyo malilimutan. Kaya sa susunod na pagkain niyo nito ay sigurado akong kayo rin ay mapapa- Oh My Siomai!! ;))

--Natalie Kristine Jaramilla 

Saturday, November 27, 2010

Tinola de mama




 Tinolang manok sikreto ng mga patok, tinolang manok mas masarap kung nasa palayok


Una sa lahat may sikreto akong ibubunyag alam nyo bang ang huling kinain na ulam ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal ay tinola, at eto ang pangalawa, alam nyo bang bago ang laban ng ating pambasang kamao na si Manny Pacquiao ay mainit na tinola ang kinakain nya dahil ito daw ay nag papalakas sa kanya dahil sa mga sangkap nito tulad ng manok,sayote at dahon ng sili.

Eto ang napili ko kasi napaka sarap nito at masustansya, at napaka daling mahanap sa market ang mga sankap nito. At madalas itong nakahain sa mga kalindirya at masarap ito kung may sawsawan na patis

Ang tinola pala ay naimbeto ng taong 1800, sobrang tagal na pero hangang ngayon ay buhay parin, wala atang nanay o lola na hindi alam mag luto ng tinola kasi kahit tatay at lolo alam itong lutuin. at kung mapapansin nyo ang tinola ay madalas gamitin sa mga commercial sa tv ng mga pang pasarap sa pagkain tulad ng knorr cubes, magic sarap, real sarap at iba pa.

Ay nako kung pwede lang tinola ang ulam ko araw-araw, kaso hindi pwede eh.

                    
                                                                        - John Clinton Orbe                         
                                                                          1H3

                                                                                                           

KARE-KARE NG AKING LOLA :)


KARE-KARE! pagkaing patok sa panlasang Pinoy.
 
          Noong bata ako mayroong isang putahe ang di nawawala sa bawat okasyon sa bahay ng lola ko, kahit na kaarawan ng isa sa aking mga kamganak, pasko, bagong taon o ang simpleng pagkakaroon ng trabaho ng isa sa amin. Noong una ay inayawan ko to dahil sa mga sangkap nito. Sinabi sa akin ng lola ko na gawa ito sa laman loob, kaya noong una ako'y nag-alinlangan kainin ito. Subalit ng makita ko ang mga pinsan ko na sarap na sarap rito, ako'y nainggit at aking tinikman ito. Nang ito'y aking matikman di ko na napigilan ang aking sarili. Ito'y napakasarap at napakalinamnam.
          
          Ang handaan sa bahay ni lola luisa ay hindi kumpleto kung wala ang napakasarap niyang kare-kare! Paborito ito  ng lahat mula sa kanyang mga anak hanggang sa aming mga apo nya  at pati na rin sa mga kaibigan ng aming pamilya. Ang pamosong kare-kare ni lola ay gawa  sa mga natural na sangkap tulad ng giniling na mani at bigas, ito rin ay napakasustansya dahil sa iba't ibang gulay tulad ng puso ng saging, talong, sitaw at pechay at ang malinanamnam na karne lalo na ang buntot at tuwalya. Higit pa itong pinasarap ng aming espesyal na bagoong.
          
           Yan ang kare-kare. Kung ito'y di nyo pa natitikman ako na ang nagsasabi sainyo di kayo isang tunay na Pinoy kung di nyo pa ito natiktikman. Try nyo masarap kaya!

-Sean Tracy G. Ang
1H3










          Ito ang aking paboritong pagkain. Pag ito ang nakahain sa hapag kainan tuwing miryenda ay parang wala ng tayuan ang aking pag upo para kumain.Hindi ba't ang sarap tikman ang kesong unti-unting nalulusaw sa lasagna ang patong patong na malalambot na pasta. Ang mga ground beef, tomato at mozzarella cheese, na lalo nagpapabango at nag papasarap dito. 




        Siguro naman ay nakatikim na kayo ng lasagna ito ay gawa sa ground beef, mozarella, lasagna pasta, kamatis, tomato sauce, parmesan cheese, itlog ,sibuyas, at sausage. Pwede kang gumamit ng iba't ibang pasta ayon sa iyong kagustuhan. Noong highschool ako hindi lang mcdo ang canteen naming barkada pag kami ay kumakain sa labas. Pati na din ang greenwhich paboritong paborito ko ang lasagna ng greenwhich dahil sa amoy at lasa nito.





        Sa tuwing kakain ako ng lasagna ay hindi pwedeng mawalan ng garlic bread na isa din sa aking pabortiong pagkain. Ang sarap balik balikan ang mga alaalang iniwan ng pizza at lasagna sa aming barkada. Hindi lang ito masarap, nag iwan din ito ng mabubuting alaala na siguradong hinding hindi makakalimutan ng barkada.

Kaya tikman na ang lasagna uhlala.

-christian dela cruz-

Loming Batangueño


 Una kong natikman ang Lomi noong ako'y high school, noong una ay ayaw ko itong kainin, hindi kasi ako noon mahilig sa pancit. Pinilit lang ako ng mga kabarkada ko. Doon ko nalaman na masarap pala ang pancit lalo na ang Lomi. Marahil noong una ay pilit ang pagkain ko, ngunit sa mga sumunod ay nakakadalawa pa ako. Sa pagkain ko nito, para bang nawawala ang pagod sa aking isipan, kasabay ng pagkawala ng gutom sa aking tiyan. :)

  Ang lomi ay isang klase ng pancit, pancit lomi ang ginagamit dito. Ito ay may lahok na karne ng baboy o karne ng baka, itlog, kikiam, nilalagyan din ito ng chicharon. ngunit ang nagpapasarap dito ay napakaraming sibuyas na inilalagay dito. Isa ito sa mga pinagmamalaking pagkain ng Batangas. Sabi nga nila, "Hindi ka pumunta ng Batangas kapag hindi mo natikman ang Lomi doon".

  Tandang-tanda ko pa noong hish school, hindi lalampas ang isang linggo na hindi kakain ang barkada ng Lomi. Inaakyat pa namin noon ang isang bundok para lang kumain ng isang order ng Lomi. Kahit matagal ang paglalakbay, ayos lang sa amin kasi " Worth It" naman kapag kumakain na kami. Kaya kapag pupunta ka ng Batangas. huwag kakalimutang kumain ng Lomi. Dahil sinisigurado ko hindi makukumpleto ang Batangas Trip mo kapag walang kasamang Loming Batangueño. :)

- Dion Bastien F. Magahis
-1H3
                                                                                         

HOT CHOCOLATE RICE PORRIDGE ♥

OO, sa tagalog CHAMPORADOiningles ko lang para lalong sumarap sa panlasa niyo.  

   Isa sa mga paborito kong almusal at meryenda. Simula nong bata pa lang ako, hilig ko na talaga ang champorado. Kaya hanggang ngayon niyaya ko ang mga kaibigan ko sa Cafeteria ng school namin kapag may champorado sa kanilang menu, diba EEW? :))

   Champorado - bumili ka lang ng malagkit na bigas at cocoa jan malapit sa inyo. Pakuluan nyo lang sa mainit na tubig, haluin, timplahan at presto!  May mga iba na sinasabayan pa ito ng pritong tuyo, sabi kasi nila mas masarap daw ito dahil daw binabalanse ng matamis na champorado ang alat ng tuyo. Para sa akin (at sa karamihan din) naman ay gatas ang inihahalo ko dito, condensed man o evaporated. Mas malinamnam kasi at masustansya pa. Masarap din itong kainin pag tag-ulan, nagbibigay kasi ito ng init sa sa panahong malamig. Pero minsan nilalagay ko ito sa ref at pinapalamig saka ko kakainin, iba kasi trip ko eh :))) May friend nga ako na cheesy bits ang hinahalo nya sa champorado eh. kanya-kanyang trip talaga yan, eh ikaw anong kwentong champorado mo? 

   Kaya kung member ka man ng SMP (Samahan ng Magganda at Pogi)  ngayong darating na pasko, ito ay isang pagkain na nababagay sa`yo . Kasi nga bagay ito sa mga panahong malamig diba? Pampaineeet :>  Nirorokomenda ko rin ito sa lahat, bata man o matanda magugustuhan niyo itong Hot Chocolate Rice Porridge na ito. Kaya hala sige! magpaluto ka na, now na. G O ;)

- Janelle Aerish Y. Hernandez
1H3

   

Blue o Blue ni Marlon John Eugenio

Chicken Cordon Bleu 


     Madalas makita ang pagkaing ito sa bawat handaan. Morkon, Chicken roll o kung ano pa mang pagkakakilanlan, ang Chicken Cordon Bleu ang isa sa pinakakilalang pagkain sa isang handaan.

    Bakit nga ba "Chicken Cordon Bleu" ang itinawag dito? Balikan natin ang kasaysayan nito.

    Mula sa Pransya ang salitang "bleu" na nangangahulugang asul. Noong panahon ni Haring Henry III na noon ay nakaupong hari, ginawa niya ang isang panukala na pinamagatang “L’Ordre du Saint Esprit” na pagbibigay ng pagkilala sa mahahalagang pangyayari, tao o bagay sa bansa. Ito ay isang medalyang krus na sa gitna ay may kalapati na  naglalarawan sa Espiritu Santo. "Cordon" na nangangahulugang kuwintas, at "Bleu" na nangangahulugang asul. Sa dulo ng asul na kuwintas naroon ang medalyang ito.

     Ang "Chicken Cordon Bleu" ay isa sa pagkain na ipinagmamalaki ng mga Pranses mula pa noong una. Bahagi ito ng kaugaliang Pranses na inampon ng mga Pilipino.

     Ang pagkaing ito ay isa sa mga pagkaing hindi mawawala sa isang handaan. Ito rin naman ang siyang naisip kong ilagay upang malaman natin kung bakit ito ang itinawag dito. Kaya't sa tuwing makikita ninyo ito, maaalala ninyo ang aking simple ngunit makabuluhang blog.

Beef Curry!




Unang tingin ko pa lang sayo, tinakam mo na ako.

Ang Beef Curry ay isa sa mga paborito kong pagkain. Una ko itong natikman sa isang Japanese restaurant at akoý talagang nasarapan. Kahit hindi ako mahilig sa maanghang, naging patok ito sa aking panlasa. Ang putaheng ito ay may mga sangkap na karne, patatas, carrots, sili, bawang sibuyas at curry powder. Ang karne nito ay malambot at malasa. Napakalinamnam naman ng sarsa nito. Sarsa pa lang, ulam na! Pagdating naman sa carrots, mas magiging masarap kung ito ay medyo malutong at hindi masobrahan sa luto. Ang patatas naman ay dapat maging malambot, ngunit hindi malapsa. Napakasarap nito lalo na kung katamtaman lamang ang anghang nito upang hindi matalo ang lasa ng karne. Ang putaheng ito ay may taglay na anghang na nakakagana talaga kumain.  

Maraming rin palang sustansya na puwedeng makuha mula sa Beef Curry, ang ilan sa mga ito ay manganese, calcium, phosphorus, at sulphur compounds na nagmula sa bawang at sibuyas. Fiber na nagmula sa mga sili. Ang carrots naman ay mayaman sa bitamina A at potassium. Ang patatas ay nagtataglay ng iron, zinc, potassium, magnesium, carbohydrates at calories. At ang karne ay nagbibigay protein at carbohydrates.

Ang Beef Curry ay napakasarap, malinamnam at malasa. Nagtataglay pa ito ng maraming mineral na nakakatulong sa ating kalusugan. Kaya subukan niyong magluto ng putaheng ito upang matikman at malaman ninyo ang katotohanan ng aking artikulo.

Rañada, Melissa Abigail B.
1h3

Caramel Banana walnut

             Isa sa mga paborito kong agahan ay ang pancake lalo na ng Mcdo. Samahan mo pa ng matamis na amtamis na syrup na Pillsbury at hot choco, da best na kombinasyon. Kahit gawing tanghalian ay tiyak na masarap pa rin at kahit sa huling kagat nito ay malalalasahan mo ang tamis Ang pancake sa Pancake House ay pinaka masarap para sakin na naghahain nito, ito ay kanilang specialty at patok na patok sa mga kustomer at laging binabalik balikan. Nagawa nilang kunin ang panlasa ng tao kaya naman walang duda sila ang may pinakamasarap na pancake.
             Una kong natikman ito sa Medical City at simula noon, ito ang pinagbabasehan ko kung saang mall ako pupunta. Kapag ako ay kumakain ng caramel banana walnut, bawat kagat ko ay sinisigurado kong malalasap ang tamis at lambot nito, pagkatapos ang bayad ko ay sulit na sulit at kahit busog na ako, gusto ko pa ring kumain.
            Mahihilig ako sa mga matatamis na pagkain ngunit sa lahat, ito ang pinakapaborito ko, hindi ko papalagpasin ang isang buong linggo ng hindi ako nakakatikim nito. Sobra ang pagkagusto ko dito at sabi nga ng mga kaibigan ko, ako raw ay obsessed na. Kaya naman bawat may umaalis samin, alam na nila ito ang hanap ko lagi at ito na rin ang nagsisilbi kong  pampagana sa pag-aaral dahil nakakahyper ang tamis nito..

                     MARC HAROLD ACOB :> 1H3

PIZZA PIE! AYAYAY!=)


Wala ng intro intro, informal blog naman to. =)) Ang paborito kong pagkain ay PIZZA. Sa katunayan ay pinanganak ako sa mundo dahil dito. Nagkakilala kasi ang mga magulang ko noong naging magkatrabaho sila sa SHAKEY’S, isang pizza parlor. Oh diba? Destiny.

Lahat naman siguro tayo sa nakakalaam kung ano ang Pizza. Ito ay gawa sa bilog o kwadradong dough na pinatungan ng tomato sauce at samu’t saring toppings na niluto sa oven. Pepperoni, salami, manok, baboy, baka,  seafoods, bellpepper, keso, olives, sibuyas, napakarami mong pwedeng pagpilian depende sa iyong gusto. Wala akong pinipiling flavor, lahat gusto ko. Di lang dahil maraming lasa ang naghahalu-halo, kundi dahil maraming alaala itong iniwan sa akin.

Noong high school ako, bukod sa pagkaing Mcdo, Pizza ang madalas naming kainin ng mga barkada ko. Ang tahimik nga naming pag kumakain, kumbaga, galit galit muna. Unahan sa pinakamalaking sliceat pinakamaraming toppings at paramihan din ng makakain. (ang sarap tuloy balik-balikan). Ito rin ang paboritong pagkain ng special someone ko. :”> hahaha. Ayoko ng magreminisce, baka kiligin ako. HAHAHAHA. Basta marami akong memories sa Pizza.=))

Ayun. Alam ko naming lahat ay nakatikim na kayo niyan. Kung hindi pa, ano kayo? Alien? Tikim na dali!


PS. SORRY KUNG WALA AKONG PICTURE NA KASING POGI NUNG KAY EDGAR. =)))
-JHULIE MARCAIDA

Sa Silvanas, ika'y mapapabalikwas!


Silvanas

Silvanas? Ano nga ba ito? Katunog ng HAVAIANAS ang pangalan ngunit hindi ito isang tsinelas. Ang Silvanas ay isang klase ng panghimagas. Ito'y hugis pa-oblong na may dalawang magkadikit na parang crust nito. Ito rin ay sinasabing isang cookies na kagaya ng sansrival. Ang crust na magkadikit ay nababalutan ng cookie crumbs at mani. Sa loob naman nito ay may manamis-namis at malinamnam na palaman. Itoy dapat na nakalagay sa freezer upang mapanitili ang sarap at lasa nito.

Natikman ko ang silvanas ng minsang umuwi ang aking tita galing ng Nueva Ecija. Noong una ay hindi ko ito pinansin dahil akala ko hindi ito masarap at hindi rin naman ako mahihilig sa matatamis na mga pagkain. Nung minsang natapos kaming kumain, inalabas ng aking lola sa ref yung silvanas. Nainggit ako sa kanila kasi sabi nilang masarap ito. Tinikman ko na lang ito dahil gusto kong malaman kung bakit sila sarap na sarap.Pagkagat ko sa unang parte nito ay parang kumagat ako ng litson na napakalutong. Ang 'creamy at sweet' na palaman naman nito ay nagbabalanse sa isa't-isa.

Napakatamis nito ngunit napakasarap. Para sa akin, hindi matatawaran ng kahit anong panghimagas ang Silvanas. Hindi ako yung klaseng tao na mahilig sa matatamis ngunit iniba ng silvanas ang aking pag-iisip. Kapag natikman niyo ito, siguradong kayo'y mahuhumaling sa sarap at tiyak na ito'y uulit-uilitin niyo. Hindi ito yung tipo ng pang-himagas na magsasawa ka kapag dinamihan mo ng kain. Maaadik ka lang sa sarap nito. Ou, nakakataba nga ito, pero hindi naman ito halata sa akin na ito ang aking paboritong pagkain. Kapag nagdala noon si Tita ay binabalik-balikan ko iyon sa freezer hanggang sa ubos na. Nagtitinda rin kasi si tita ng Silvanas kaya naman maraming stock nun sa ref. Halos araw-araw akong kumakain noon. Haaay... parang gusto ka nanaman kumain ng silvanas. Naiisip ko yung malinamnam nitong lasa at malutong na crust nito.

Marami ang nababaliw sa Silvanas at isa na ako dito. Kahit na ito'y may kaunting kamahalan at nakakapagpataba din, okey lang kasi masarap naman at parang 'heaven' kapag iyong natikman. Try mo na! Siguradong sa SILVANAS ay maaadik ka.




-ruth elyn erece 1H3

WHITE HEAVEN--vanilla ice cream

Una na sigurong pumapasok sa utak ng bawat tao ang Ice Cream tuwing may kainitan ang panahon. Isa rin ito sa mga patok na patok na mga minatamis o desserts. Sino ba naman kasi ang tatanggi sa lasa ng ice cream habang ito'y natutunaw sa ating dila? Ang lamig din nito ay papawi sa init na ating nararanasan. Mayroon din itong kakaibang barayti ng mga flavors na siguradong sasakto sa panlasa ng bawat isa. Kung kaya naman ang ICE CREAM ang top 1 sa listahan ng aking mga paboritong pagkain.


Sa mga kwento ng aking ina pinaglihi niya raw ako sa ice cream habang siya'y nagbubuntis. Wala man itong sapat na batayan di ko rin naman matatanggi ang natatangi kong hilig sa pagkain ng ice cream. Bata pa lang ako ay naging malaking parte na ng aking buhay ang pagkain nito. Tulad na lang ng pagpunta ko sa dentista na labis kong kinatatakutan noong ako'y maliit pa ngunit ako'y madaling napapapayag ng aking ama sapagkat sinasabi niyang kami ay bibili ng maraming ice cream. Tuwing may okasyon ay talagang hinahanap ko ito at kahit na maulan na ang panahon ay di ako tumatanggi. Naranasan ko din ang gumawa nito noong kami ay nasa hayskul na labis kong ikinatuwa. At kahit ngayong dalaga na ko dala ko pa rin ang hilig na ito lalo na sa VANILLA ICE CREAM.

Ang Vanilla Ice Cream ay masasabi kong simple ngunit babagay sa lahat ng mood mo. Ito na marahil ang pinaka-simple at ordinaryo sa lahat ng ice cream sapagkat ito ay plain at walang ibang sangkap tulad ng cookies o mga mani. Ngunit ang kahit ito'y simple babagay naman ito sa isama sa ibang pagkain o kahit flavor ng ice cream. Masarap ito isama sa brownies, cakes, saging at kahit anong flavor ng mga syrup. Masarap talaga ang vanilla ice cream at ito na ang naging comfort food ko. :))


Cristelle Ann M. Tolentino
1H3

SATTI DE ZAMBOANGA ;)


Una kong natikaman ang Satti nung ako'y nasa elementaryo pa. Nung una ay takot na takot akong tikman ito dahil alam kong ito ay napakaanghang at baka hindi ko makaya. Pero sabi ng aking mga kaibigan ay dapat ko daw ito matikman dahil ito ay napakasarap. Tama sila. Nahulog ako. Kahit ito ay maanghang, hindi ko papigilan kumain ng kumain dahil sa sarap nito. Kahit ako ay naiiyak na at nagkakasipon na, kain pa rin ako ng kain.

Ang Satti ay kanin na niluto sa puso ng saging na binuhusan ng pulang manamisnamis na maanghang na sauce na may maliliit na karne na nasa stick na parang maliliit na barbeque. Pwede rin ito ipartner ng inihaw na atay, chicken barbeque, isaw at iba pa. Paboritong almusal ito ng mga taga Zamboanga. Galing ito sa mga kapatid nating mga Muslim na mahilig sa maanghang. :)

Paborito namin ito ng aking mga kaibigan. Lagi kami kumakain nito, dati, kapag pumupunta kami sa paaralan dahil may kainan ng Satti doon sa tabi. Para dito, tinatalikuran namin ang mga restaurant at mga fast food chain. PROMISE! Masarap talaga ito at murang mura pa! diba ang saya? :DD Lagi ko itong hinahanp hanap hanggang ngayon. Kung gusto niyo ito matikman, siguro meron ito sa mga Malaysian restaurant . Try niyo!

JANINA L. OBIAS
1H3

Ang aking Itlog na maalat. Bow. :)

Ang Itlog na maalat ko ay masarap. Ito ang isa sa pinaka gusto kong pagkain. Unang una ito ay madali kainin, at i halo mo lamang sa kamatis ay napaka sarap na nito i-ulam. Nung ako'y bata pa lamang hindi talaga ako mahilig kumain ng Itlog na maalat. Marahil ito ay maalat. (malamang kaya nga itlog na maalat eh.) pero nung ako'y medyo nag ka edad na. Ako'y nahilig kumain ng iltlog na maalat. Lalo na pag ka tapos ko mag basketball dahil mas masarap kumain nito kapag ika'y pagod at mas lasa mo ang alat nito :)

Mapapansin natin na ang mga matatanda o bata ay mahilig kumain nito. Dahil ang sarap nito isama sa mga ibang klaseng ulam. Madaming pagkain ang binabagayan ang itlog na maalat. At siguro nadin na hindi makukumpleto ang buhay mo na pagiging Piipino kapag hindi mo ito natikman. Kaya simulan nyo na kainin ng iltlog na maalat para maging isa kang tunay na Pilipino. At ipag malaki mo ito sa UST. Ipag sigawan nyo na nakakain na ako ng Itlog na maalat! :))

At kaya ito ang napili ko dahil ito ay kakaiba, at ito ay nakakalimutan nadin ng mga batang generasyon sa ating bansa. Mas napapansin ng mga bata ang mga pagkain na nakikita sa mga Mcdo, Jollibee, KFC, BK, Ect. Pwede kayo kumain sa Binalot dahil ang mga pagkain doon ay may kasamang Itlog na maalat. Pwede kayo pumunta dun, sa may carpark lamang iyon makikita nio pagitan ng Tokyo-tokyo at KFC. :) Kaya tikman nyo ang Ilog na maalat ko dahil ito ay matigas at napaka malinamnam. :))))


-SESE FOZ SIBAL :D

Friday, November 26, 2010

ALL-TIME..HUMBA! PAK!




           Paboritong pagkain? Ano nga ba? Yan ung mga kadalasang tanong lalo na nung kabataan kong uso pa yung slambook. Hahaha. Naalala niyo yun? Eh kasi, kadalasang sagot rin naman, puro Chicken. Pero ako talaga eh. Iyon oh. Yan, yung picture na nasa taas. Di ko pa talaga alam kung anong tawag sa ulam na yan eh. Basta alam ko, Pata. Kailan ko lang nalaman yang tawag diyan, so yun pala ay Humba. Oh diba. Parang Samba! Haha..weh.
  
            Ako kasi yung taong mahilig sa karne e. Hahaha. Kaya di ako tumataba eh no. Yan. Bata pa lang talaga ako, paborito ko na talaga yan. Yan yung lagi kong pinapaluto kay Mama nun kahit di ko alam yung tawag. Basta, sabihin ko lang.."Ma, luto mo yung puro karne na peyborit ko!" Ayun, alam na yun. Swak na swak na tanghalian namin nyan pati hapunan. Pag kasi nanay ko nagluluto nyan, sinasamahan niya talaga ng mga pinya. Yun ang lalong nakakapagpasarap sa ulam na yan. Isang higop mo pa lang ng mala-sarsang sabaw nyan, nako, hindi mo titigilan ang paghigop! Tas oras na makagat mo yung karne.. ay teh! Pak na pak! Heaveeeen pare! Yung bigla kang lumutang sa ulap. Haha! Daig mo pa yung in-love na tao. :))

             Ayon sa google, yung Humba raw ay isang sweet pork dish na katulad rin ng Adobong Baboy. Marami kasing version 'tong ulam na to. Ang bersyon naman namin ay pata talaga ng baboy ang main ingredient. Tapos yung iba ay halos pareho lamang rin ng mga sangkap sa Adobong Baboy. Kaya nga lang, nagiging matamis ang Humba dahil sinasamahan pa ito ng asukal, bulaklak ng saging at lalong-lalo na ang pinya! Isa rin kasi ang pinya sa mga paborito ko talagang pagkain eh. Tanong niyo pa sa Eew. Diba, Eew? :)) Haha. Ayun, Matagal-tagal mo nga lang lutuin yan kasi kailangan mo pang prituhin muna at palambutin ang pata. Kaya pag natutunan ko talaga tong lutuin, ipagluluto ko talaga ang magiging boyfriend ko (kung sino man yun..haha!). Para diba, hahanap-hanapin niya. :"> Hahahaha!

              Yan. Siguro, natatakam na kayo no? Nako. Yung mga di pa nakakatikim nito, ipagluluto ko kayo at tiyak mapapalimang kuha pa kayo ng kanin sa lamesa! Hahaha! Yung mga siba kumain diyan, swak na swak sa inyo to, promise! AYEAH ツ



Jean Charisse F. Parome
1H3

Choconana, haha!

Ang ate ko po ay isang barista sa Bonna Coffe, westgate alabang branch. Hindi pa naman siya matagal nagttrabaho roon.  Pero kapag umuuwi siya galing sa trabaho ay lagi niya akong inuuwian ng pasalubong na pagkasarap sarap nilang Choco Banana Muffin. ay talaga naman! Itsura pa lang. Hindi ko po masabi ang eksaktong ingredients sa pag gawa nito dahil sabi ng ate ko ay hindi daw pwede, muntik na nga po siyang mahuli noon. haha! siya ba ay nakakatawa o nakakaiyak? comica o lagrima?hahaha :))

Paborito ko po ito dahil, ibang sarap talaga ang aking nalalasap, sa bawat kagat. hindi po ko nagffliptop. pero totoo talagang masarap ito, sapagkat hindi ito yung tipikal na chocolate muffin lang dahil sa bawat kagat mo ay matitikman mo ang pagsanib pwersa ng tsokolate at saging at ng mga buo buong walnuts. At lalagyan pa ito ng chocolate syrup bilang toppings. heaven kung heaven. :)  Sino nga ba ang ayaw ng tsokolate? Siguro yung mga bawal don. lol. :)) Sa tingin ko naman ay masustansya ito sapagkat may saging. :))

kapag walang pasok minsan ay sumasama ako sa kapatid ko sa kanyang trabaho para bumili ng muffin nila ang epal ko no? at dun lang ako tatambay dahil may free wi-fi access sila, pero wala akong laptop kaya aanhin ko ang wi-fi nila. kaya naman dun nalang ako sa mga libreng computer units nila. hahaha! para lang talaga sa muffin.

Kaya naman ano pang hinihintay niyo tikman narin ninyo at sabay sabay tayong masarapan. nga pala, ang presyo nito ay hindi mabigat sa bulsa. oh diba. samahan pa ng quadruple espresso. hmmmm!!!  sa sarap, abot tenga ang iyong ngiti. lol! :)

-Reena Sitjar :)
1H3

TRY MO! Ang sisig na ito!

Naaalala mo pa ba ang mga pagkaing pinatikim sa iyo ng iyong nanay? Ang mga pagkaing kapag kanyang sinabihang masarap ay tunay nga namang kaaya-aya ang lasa. Mahilig magluto ang aking ina at siya rin ay nagttrabaho noon sa isang restawran kaya’t maraming pagkain ang akin ng natikman. Bata pa lamang ako ay sanay na ang aking panlasa sa iba’t ibang mga pagkain. Nariyan ang iba’t – ibang uri ng sinigang, inihaw at adobo, puchero, kalamares at marami pang iba. Isa sa kaniyang mga pinatikim sa akin noon ay ang sisig. Una ay nagdadalawang isip ako na ito ay tikiman,  sapagkat hindi ko mawari kung anu-ano ang mga sangkap na nakapaloob dito. Pinauna ko muna ang aking mga kapatid sa pagtikim nang sa gayon ay maging sigurado ako sa lasa nito. Nang kanilang matikman, sila ay nagwalang kibo. Hindi ko tuloy alam kung ano ang lasa nito. Sa huli ay kailangan ko ng tikman ito, wala ng iba pang titikim kundi ako na lamang. Sa aking pagsubo ay dinadahan-dahan ko ang pagnguya at isa-isang nilalasahan ang mga sangkap nito. Ang umagaw ng aking pansin ay ang malulutong na pork jowl o ang balat ng baboy. Sa sarap ng aking unti-unting pagnguya at pagsuri sa pagkaing ito ay ‘di ko na napansin na unti-unti na rin pa lang nauubos ang sisig sa hot plate. Naunahan na ako ng aking mga kapatid sa pagkain! At simula noon ay hinahanap-hanap ko na ang sisig ng Jaymi’s o mas kilala bilang Dencios’.


Ang pangkarinawang sisig na alam ng maraming tao ay gawa sa purong lamang loob ng baboy. Ngunit ang aking paboritong sisig ay ‘di lamang pangkaraniwan. Ang mga sangkap nito ay pinakukuluan, piniprito at pinagsasama-sama sa isang hot plate. Isa-isang hihiwain sa malilit na parte ang malulutong na pork jowl  na ipinirito at igigisa ang bawang kasama ang utak ng baboy sa hot plate. Pagsasamahin ang mga ito at ihahain. Wala kang matitikmang pait, lansa o kahit na anong kapintasan sa pagkaing ito. Samahan mo pa ng kalamansi, toyo at sili. Tunay nga naming napakasarap ng sisig na ito. Para bang sa sobrang sarap nito ay aaraw-arawin mo ang pagkain ng sisig. Yun nga lang, highblood ang iyong aabutin!

Kapag ako ay bumibisita sa aking nanay sa kaniyang trabaho noon ay ito ang aking natatanging inoorder, ang S3, isang hot plate na may java rice, atsara at ang sisig na espesyal samahan mo pa ng isang tasa ng sabaw. Kapag ako ay kumakain ngayon ng sisig ay naaalala ko tuloy ang hayskul na kung saan ay lagi akong nagbabaon nito at aming pinagsasaluhan ng aking mga kibigan. Kasama ko noon sila Realuyo, Abadilla, San Diego, Navarro, Orquiza, Diwata, Foz, Suaco, Pacsa at FRANCISCO. Lahat kami ay nagsasalu-salo sa pagkaing ito hanggang sa lahat ay maubos. Maging sila ay nasiyahan sa kanilang natikman. Ako ay nagsilbing endorser ng sisig na ito. Kaya’t halina at tikman na ang sisig na kapares. Kapag ito ay iyong natikman sigurado ikaw ay mawiwili. Ito’y iyong hahanap-hanapin! Tara try mo na!

-Rosa Carmina Varona 1H3-

BaLuT ni manong. .








Kung ating titignan ang larawan na ito, tayo ay mandidiri pero ndi alam ng mga ibang tao na marami kang makukuhang sustansya dito sa pag kain na ito. ang tawag dito ay BALUT.

ang BALUT ay isang pagkain nanggaling sa asya, lalo na sa pilipinas. Isa itong itlog ng bibe na dumaan sa pertilasyon kasama ang isang halos na nabuong embroyo sa loob na pinapakuluan at kinakain kapag nabalatan. Nagmula ang salita sa tagalog na "balot".
Kadalasang binebenta ang balut sa gabi at ang mataas na protina ang nagiging dahilan upang isabay sa serbesa. Kinakain ito kadalasan ng may asin, suka, at/o sili para magkaroon ng lasa.
Sa pilipinas, matatagpuan ang industriya ng paggawa ng balot sa pateros.

maraming mga tao ang ndi kumakain ng balut dahil sa pagaakala nila na ito ay ndi malinis at nakakadiri. marami tayong makukuhang mga sustansya dito na ndi natin makukuha sa ibang mga pgkain na tinitinda sa mga tabitabi ng mga kalye
 .

 TANCIOCO, NICOLIE RUPERT P.
.

SPAG.SPAG.NAPAKA SARAP MO



Isa sa mga paboritong kainin ng mga bata ang Spaghetti. Di ito nawawala sa mga Children's party sapagkat ito ang main menu ng party. Hindi lang mga bata ang natatakam sa sarap dulot ng spaghetti gayon din ang mga matatanda na siyang pinag aaralan lutuin para sa kanilang mga anak. Ngunit saan ba nagmula ang Spaghetti? Bakit napukaw nito ang panlasa natin lalo na ang mga bata?
 Nung Nov. something something ay gumawa kami ng mga pinsan ko ng spag para sa 1st bithday ng amin inaanak na wayne :) madami kaming napasayang bata dahil ang gusto nilang klaseng spag ay ang matamis na klase :) nakakataba sa puso ang makita na nasarapan sila :) lahat naman siguro tayo ay naging pagkabata at lahat ng gust
 o na spag ay matamis kaya panay mcdo and jobi :))hahah!inadvertise pa ii :))

pero ngayon na tayo ay
nagsi tanda na ay ang gusto na natin pag tayo ang gumawa ay may pagka-maasim :) kaya ang gnagamit ay italian sauce :) well..eto ang ginagawa ko sa spag. kong ginagawa:) at para mas maasim ay madaming toyo :)

at para maging kompleto ito ay budburan mo ng cheese lagyan ng hot sauce sidishan mo ng chiken at bread at softdrinks :) TADDDAAAAAAA!sobrang sarap na spag :)

-ESCORPION, Bianca Ann Ivyl A.

Sinigang na Hipooooon!

Tayong lahat ay mayroong mga paboritong pagkain. Kagaya ng iba, ako rin ay mayroong paboritong putahe...ito ay ang "Sinigang na Hipon." Simula pagkabata ko pa lang ay mahilig na ako sa hipon at sa sinigang kaya nahiligan ko rin ang putaheng sinigang na hipon. Ito ay isang putaheng Pinoy na kadalasang inihahain tuwing may pista o kapag nagsasalo ang pamilya.
Ang sinigang na hipon ay madali lamang lutuin. Ito ang mga sangkap na kailangan: hipon(sugpo), sampalok, sibuyas,kamatis, labanos, sitaw, kangkong, asin at patis. Pakuluan ang sampalok hanggang sa ito ay lumambot at makuha ang juice nito. Sa isa pang kaserola ay magpakulo ng tubig at ihalo ang kamatis, sibuyas, labanos, at ang juice ng sampalok. Kapag ito ay malambot na ay hinaan ang apoy at ihalo na ang hipon, kangkong at sitaw. Hintaying maluto. Haluan ng asin at patis. Pagkatapos ay handa na itong kainin.

Sa panahon ngayon ay mahal na nga ang hipon, ngunit ang putaheng ito ay siguradong masarap at hindi pagsisisihan. Ang lasa nito na pinaghalong asim mula sa sampaloc, tamis mula sa mga gulay, at alat mula sa asin at patis ay siguradong magugustuhan ng sinumang makatitikim nito.

--Deang, Maria Monica G.

double down


Isang araw  habang ako ay nag lalakad papunta sa gusali ng albertus magnus napadaan ako ako sa harap ng kfc at nagulat ako ng nakita ko na nakasarado ang kainan, nakatakip ang mga sa lamin at ang pangalan ng kainan ay nakatangal na,, inakala ko na mag sasara ng kfc at mapapalitan na ng ibang kainan, natuwa ako ng naisip ko na mapapalitan na ito pero nalaman ko na mali ang aking akala dahil sinabe saakin ng aking mga kaibigan na irerenovate  lang pla ang nasabing fast food chain, at lumipas na  ang aming break time na pinag uusapan lamang  kung ano ang babaguhin sa loob ng kfc, at lumipas ang araw na at lingo ng hindi kami kumakaen sa kfc dahil sarado nga ito at inis dahil lalong dumami ang  tao sa mc.donalds. ngunit isang gabe ng ako ay galing sa paaralan at nag papahinga  bigla kong napanood ang  advertisement ng kfc at pinakita dito ang bago  nilang  gawang  produto na tinawag na double down ito ay isang uri ng burger na walang tinapay,  meron itong bacon at cheese  na inipit sa dalawang original recipe chicken na may  mayo dressing . at pag katapos kong mapanuod ang advertisement ako ay biglang natakam at gusto ko ng mating man ang double down ng kfc. At isang araw pumasok ako at nabalitaan ko sa aking mga kamag aral na bukas na  ang  kfc at nag yaya na silang tikman ang double down ngunit pag dating ng  gaming break time kami ay nagulat ng nakita namin na my nakadikit na salita sa letrato ng double down na nag sasabibg out of stock, kami ay nabitin dahil di naming ito matitikman at lumipas ang mahigit isang lingo palagi itong out of stock.

 Isang araw niyaya ako ng  aking kaibigan na mag mall laking tuwa ko ng nakita ko na kunti lng ang nakapila sa kfc at pinilit ko ang aking kainigan na tikman ang double down…


Sawakas natikman ko din ang inantay ko ng matagal,.. masarap ito at hindi mo makakalimutan ang pakiramdam habang kinunguya mo ito,.,.



                                                                AXL ROSS M. HERNAEZ          1H3

PiZzariFic!





       Tandang-tanda ko noong unang beses kong natikman ang pizza, hinding- hindi ko ito makakalimutan sapagkat nangyari ito noong kaarawan ng aking kapatid at simula noon ay lagi ko na itong hinahanap-hanap ito dahil bukod sa nakakabusog na ito ay natatanggal ang aking stress kapag nakakakain ako nito.
 

      May iba't ibang flavor ng pizza. Kung ikaw ay medyo health conscious ay maaari kang umorder ng vegetarian pizza. Kung mahilig ka naman sa pinya ay hawaiian pizza ang orderin mo. Iba't ibang uri na rin ng pizza ang lumalabas ngayon. Ang Pizza Hut ay mayroon nang iniindorso na stuffed crust at cheesy pops/sausage pops na napakasarap sapagkat pati ang crust nito ay mayroon nang cheese/sausage at may kasama nang dip. Samantalang ang iba naman ay nagpapalabas na ng super thin crust. Ang yellow cab ay mayroong tinatawag na 4 seasons kung saan apat na flavor ang nasa iisang pizza kaya naman sulit na sulit itong bilhin.
 
      Yellow Cab, Pizza Hut, Shakeys at Sicilian ito ang mga pangunahing restawran na nagbebenta ng pinakamasasrap na pizza. Talaga nga namang napakasarap ng pizza lalo na kung ito ay punong puno ng cheese at iba't ibang toppings ang kasama nito. Tamang tama itong kainin kapag may ispesyal na okasyon o kahit sa panonuod lamang ng sine. Iregalo mo ito sa iyong iniibig at natitiyak ko na makukuha mo ang napakatamis niyang OO.

CABRIGA, ALENA CLARICE P.
1H3

PANLASANG PINOY! :>





Ikaw ba ay nagugutom? Pero medyo bitin ang iyong pera? San ka pa pupunta? Syempre sa mga sulok-sulok ng kantong may ihawan. Kung saan dito mo matatagpuan ang iba't ibang all time peyborit inihaw ng mga pinoy, ang Bbq, Dugo, Adidas, Tenga, Isaw ng baboy, at ang paborito kong ISAW NG MANOK! Tanging ang Isaw ng Manok ang pinakagusto ko sa mga ito dahil masarap na nga, pasok na pasok pa sa budget, kaya naman saan ka pa?


Sa mga hindi nakakaalam, marahil ay nagtataka kayo kung ano nga ba talaga ang Isaw ng Manok? Ang Isaw na ito ay gawa sa lamang loob o intestine ng isang manok. Siguro nga para sa ibang taong hindi pa natitikman ito, iisipin nilang kadiri kainin ito. Oo, aaminin kong kadiri nga naman itong pakinggan ngunit kapag natikman mo ito ay tiyak na magugustuhan mo. Tandaan na hindi mo malalaman ang lasa ng isang pagkain kung titignan mo lamang ito. Maaaring nakakadiri ito sa paningin ng iba pero nakakagutom naman sa iba.


Dati, hindi din naman ako kumakaen ng Isaw na yan. Ngunit nang pinatikim sa akin ito, grabe! Ang sarap pala talaga! Lalo pa't kung isasawsaw mo ito sa sukang may halong sibuyas at bawang tapos ay medyo maanghang-anghang pa! Talaga nga namang hahanap hanapin mo ito. Pero mag ingat din kayo, dahil sabi ng iba ay nakakasakit daw ang laging pagkaen niyan. Syempre hindi mo naman aaraw arawin ang pagkaen ng Isaw diba? :)) Depende pa rin naman ito sa kakainan ninyo, kung malinis man o hindi. Para sa akin, wala akong pake kung malinis yan o hindi. Malakas naman ako eh! :P Itong Isaw ng Manok ay pwede mo ring gawing meryenda, o di kaya ay ulam sa gabi. Iyon kasi ang madalas kong gawin, kapag di masarap ang ulam sa hapag-kainan, kukuha na ako ng kaunting barya sa wallet ko o wallet ng aking nanay, tapos ay diretso na ako dito sa kabilang kanto sa amin. Kumbaga, ALAM NA!


Matapos niyong basahin ito, sana ay gumawa kayo ng oras para magpunta sa mga kanto diyan sa inyo, hanapin at namnamin ang sarap ng ISAW NG MANOK. Dali na, kaen na tayo! Libre mo ko ha?




Ervin Francisco :)